2019 Las Islas music fest iikot sa LuzViMin
MAGANDA ang adhikain ng 6SK talent management and production company na pag-aari ng magkakapatid na Filipino-Singaporean para sa Original Pilipino Music (OPM).
Ang bumubuo sa 6SK ay siya ring nasa likod ng singing group na 1NEBAZE na kinabibilangan nga ng magkakapatid na Haidez Ng, Sor, Joong at Baby G na mga taga-Singapore at may dugo ring Pinoy.
Pumirma na rin sila ng kontrata kamakailan sa Star Music kasabay ng pag-release ng kanta nilang “Perfect Love” na sila mismo ang nag-compose. Bukod sa kanilang sariling shows, naging front act na rin sila sa mga concert ng ilang international artists including Maroon 5, Ariana Grande and Big Bang.
At dahil sa pagmamahal nila sa Pilipinas at sa OPM, naisip nilang simulan ang Las Islas Music Festival na ang number one objective ay maiparating sa ibat ibang lugar sa bansa ang galing ng mga Filipino singer, lalo na sa mga pinakaliblib na lugar.
Kuwento ni Sor, “6SK is actually a company that I formed because our dad has his own company in Singapore which is all about entertainment and since he is really old now and he wants someone to really take care of the business so we took it over.”
Ayon pa sa magkakapatid, ang nais nilang mangyari ay ang makaikot sa iba’t ibang panig ng bansa lalo na sa mga lugar na hindi napupuntahan ng mga OPM singer and concert artists. Naniniwala sila na mas lalong mai-inspire ang mga Pinoy na nasa liblib na lugar kapag napanood nila ang mga paborito nilang performers.
Unang hahataw ang Las Islas Music Festival sa tatlong lugar sa Visayas kung saan magpe-perform sina Daryl Ong, Ken San Jose (finalist sa World Dance Philippines), Jade Riccio (sikat sa classical music), Claudia Barretto, Bugoy Drilon, Sam Mangubat at siyempre ang 1NEBAZE.
Magsisilbing stage director ng nasabing music festival si Dido Camara.
Narito ang schedule ng kauna-unahang Las Islas music fest: Oct. 25, Bacolod Panaad Stadium; Oct. 26, Iloilo Barotac Nuevo Plaza; at Oct. 27, Aklan Sports Complex.
Pagkatapos nito, hinahanda na rin ng 6SK ang iba pang show sa Visayas region at sa Mindanao. Sa darating na Disyembre, hahataw naman ang kanilang music fest sa Luzon.
Ayon pa sa producer ng event, affordable daw ang presyo ng ticket para mas maraming makapanood, lalo na ang mga estudyante.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.