Tyang Amy inatake ng depresyon nang mawala sa ABS-CBN | Bandera

Tyang Amy inatake ng depresyon nang mawala sa ABS-CBN

Reggee Bonoan - October 06, 2019 - 12:10 AM

AMY PEREZ

Nang matapos ang kontrata ni Amy Perez sa MTB o Magandang Tanghali Bayan ay devastated siya dahil ang pagpunta raw sa noontime show araw-araw ang therapy niya.

Kaya dumating sa puntong hindi na siya nanonood ng mga pangtanghaling programa sa sama ng loob. Hanggang sa tinawagan siya ng Showtime.

“Tinanong ko nu’ng tinawagan ako na mag-Showtime ako that was four years ago kung anong contest meron. Kasi sanay ako na naiimbitahan bilang hurado. Naging hurado ako nu’ng season 1. Kaya nu’ng sinabi nilang as one of the host, nagulat ako, sabi ko ito siguro ‘yung sagot ni Lord sa mga panalangin ko nu’ng nawala ako (sa MTB).

“Ang purpose ko sa pagpasok ko sa Showtime is to guide them, ang dating sa akin I need to guide them (kasamahan sa programa), ipapastol ko sila every now and then, ikinukuwento ko sa kanila kung ano ‘yung pinagdaanan ko, I guide them.

“So, doon ko nakita na, ‘Ah Lord ito pala ang purpose ko na i-guide ko ang mga tupa na ito para hindi sila maligaw ng landas and always remember na lahat ng talento na mayroon kami ay galing sa kanya (God).

I find joy in taking care of them, isa ‘yun sa kaligayahan ko na naalagaan ko sila,” kuwento ni Tyang Amy.

Bukod sa mga payo ay marami raw dala-dalang pagkain parati si Tyang Amy para sa co-actors niya sa nasabing programa kaya laging busog ang mga co-host niya sa programa.

Nagsisilbi rin daw itong bonding nila off cam kaya mas lalong nagiging solid ang kanilang samahan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending