Maine inaatake ng ‘sepanx’ sa pagtatapos ng shooting nila ni Carlo: Nalulungkot ako…
NAKARAOS na si Maine Mendoza sa shooting ng movie nila ni Carlo Aquino na “Isa Pa With Feelings.”
Buong ningning kasing nag-tweet si Meng ng, “AAAAND IT’S AWRAP!!! #IsaPaWithFeelings #SEPANX,” kahapon ng medaling-araw.
Bago matapos ang shooting, feeling “sepanx” (separation anxiety” na ang Dubsmash Queen dahil napamahal na rin siyempre siya sa mga nakatrabaho niya sa pelikula, lalo na sa leading man niyang si Carlo.
“It’s our last shooting day for Isa Pa With Feelings. Nalulungkot ako…sana bumagal pa ang oras at huwag muna matapos ang araw. #sepanx,” tweet pa ni Maine.
At dahil may Eat Bulaga pa nga siya kahapon, nagpauna siya ng tweet na, “Di ko alam kung makakasurvive ako today ha pero itatry ko.”
Posible kayang isunod na rin niya ang teleserye?
Sa nakaraang presscon ng pelikula, natanong kung open na uli si Maine na mag-drama sa teleserye,
“Hindi ko pa po masasabi sa ngayon, depende pa rin po sa proyektong io-offer sa akin in the future. Pero, tingnan po natin kung kakayanin ko po.
“Kung hindi, babalik na lang ako sa comedy. Since yun po talaga ang comfort zone ko. Iba po kasi ang standard ko sa sarili ko and mahirap din po akong ma-convince. Pero feeling ko naman may improvement ako na .2%,” natatawang sabi pa ni Maine.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.