James Reid maraming arte sa shooting ng TV Commercial; ayaw ng may ka-share sa C.R. | Bandera

James Reid maraming arte sa shooting ng TV Commercial; ayaw ng may ka-share sa C.R.

Alex Brosas - October 04, 2019 - 01:10 AM

JAMES REID

MAY kumakalat na chikang sa GMA 7 na raw lilipat si James Reid. Nag-react ang netizens sa nasulat na inaayos na raw ang paglipat ng actor sa Kapuso Network.

“Lumipat ka na para may bago na namang magiging microstarlet. Hahaha.”

“Lumipat kana para naman madagdagan ang artista sa kabila.”

“OK lang din naman lumipat cya para kasing nawala na ang spark sa kanila ni Nadine Lustre. O pwede ring pareho na silang umalis sa ABS.”

“Lipat kana sa GMA para makatambal mo na ang crush mong si Heart Evangelista.”

Actually, puro nega ang nababasa namin about James, ha. Of late, he was subjected to a blind item where it said na masyado siyang maarte. Ang gusto niya ay gumawa ng TV commercial pero may demands daw siya.

Ang gusto raw niya ay may sarili siyang portalet at ayaw niya itong i-share kung kanino man. Gusto niya ay siya lang ang gagamit. At ayaw din pala nito na kuntodo make-up siya sa set. He’s saying na maganda na ang kanyang skin kaya hindi na nito kailangan ng heavy make-up.

At kung hindi niya feel ang ipasusuot sa kanya sa shooting ay kailangang palitan ito. Ang isa pa raw nitong demand kapag may TVC shoot ay dapat isang araw lang ang shooting. Naku, true ba ito, James?

Pakisagot nga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending