DEAREST Ateng,
Ako po si Joan, or Jano po, 26 years old at miyembro ng LGBT community. Isa po akong lesbian at may girlfriend.
Ngayon po ay magsi-six months na ang aming relasyon. Matanong ko na po sana kayo, may ugali kasi po itong GF ko na hindi ko minsan masabayan.
Minsan ok kami, minsan hindi. Inaaway niya ako ng walang kadahilanan tapos napaka selosa pa po niya. Pero sa totoo lang ako ang dapat na magselos kasi marami siyang manliligaw na lalaki.
Ano po ba ang dapat kong gawin? Payuhan mo naman ako, ateng. Salamat po.
Joan aka Jano
Magandang araw sa iyo Jano.
Usually ang pagseselos ay either sign ng masyadong pagmamahal o di kaya naman ay insecurity ng isang tao.
At karaniwan itong nangyayari sa taong nagmamahal.
Pero may tama at maling pagseselos. Sa tingin mo ano ba ang pinag-uugatan ng selos ng iyong GF?
Mabuting alamin mo kung ano ang main issue o issues niya sa iyo ng iyong girlfriend.
Hindi naman kasi iyan basta mang-aaway na lang nang walang dahilan.
Try to bring this up sa panahon na maganda siguro ang timpla ninyong dalawa.
I mean kung good vibes kayo pareho. And try to converse nang hindi nag-aaway. Pag-usapan ninyong mabuti.
Kung mahal mo siya ay unawain mo kung bakit nagiging ganoon ang reaksyon n’ya. Sometimes, akala natin walang dahilan pero maaaring may nagawa ka or s’ya mismo ay may personal na issue/s na hindi n’ya masabi sa’yo.
Be understanding. Kapag nasabi na niya ang dahilan ay i-try ninyong magcompromise.
Minsan naman ang isang tao ay nang-aaway talaga kasi may gusto siyang ipaalam sa iyo na she feels you have changed or changing at ito ang way niya para ito i-communicate sa iyo.
Minsan naman ay may mga taong insecure at selos ang manifestation nito – naiisip n’yang hindi siya sapat at better ang iba sa kanya or may fear na someone might replace her in your heart. So again, be understanding and assure her of your love.
The same goes with you, kung nakaka-feel ka ng pagseselos then, tell her what you feel, what you fear.
Walang hindi maresresolba sa maayos na pag-uusap.
Follow @Inquirer Bandera on Facebook.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.