Vice Ganda: Ikamamatay ko talaga kapag nawala ako sa ‘Showtime’
Inamin ni Vice Ganda na plano na niyang iwan noon ang It’s Showtime. Sa presscon para sa 10th anniversary ng Kapamilya noontime show, sinabi ng Unkabogable Star na napagod talaga siya sa araw-araw na pagiging host.
“After the first season or after the first year, nagpaalam na ako. I felt so tired. Ito ‘yung mga panahon na araw-araw sample, araw-araw required ako mag-isip nang may nagtext naubos ako. Feeling ko talaga, naubos ako kasi hindi ako sanay sa showbiz, parang nabigla ako sa bilis nang pagbabago sa buhay ko na hindi ko nasabayan,” paliwanag ni Vice.
Grabe rin ang adjustment na ginawa niya noon para sa Showtime, “Feeling ko hindi ako makalabas ng bahay, hindi ako makapag-jowa, hindi ako maka raket, hindi ako maka concert sa ibang bansa kasi dapat araw-araw ka nasa Showtime, tapos napagod talaga ako nang pagod na pagod.”
Pagpapatuloy pa niya, “That time, hindi ko nakikita ang purpose nang pag-so-Showtime ko, akala ko raket ko lang ang ‘Showtime’ and may kita. That time P5,000 a day ang sweldo ko, so wala kang personal assistant, wala kang make-up artist, wala kang hair stylist, ako (lahat) wala kang stylist, damit, hindi naman uso ang stylist. So sabi ko ‘parang its not worth it’ 5K a day parang lugi ako.”
“Pagod na pagod talaga ako tapos feeling ko hindi ako nakakatawa, feeling ko wala na akong maisip na mapapatawa pa, parang lahat ata ng jokes, naubos ko noong year na ‘yun, kaya sabi ko hindi na po ako magiging effective kasi ubos na ako, tapos feeling ko talaga hindi na ako nakakatawa,” dagdag pa ni Vice.
Minsan na rin daw siyang nagpaalam sa show para bumalik sa comedy bar kung saan siya unang nakilala,
“Sabi ko ‘kailangan ko nang bumalik sa comedy bar, para ma-practice ako, kasi feeling ko na-ngalawang ako kasi hindi na ako nagko-comedy bar, so gusto kong mag comedy bar na lang tapos regular guesting pero ‘yung regular show ayoko na muna.”
“Pero ngayon talaga, nasa punto ako na hindi ko kayang mawala sa ‘Showtime’, at hindi ko kayang mawala ang ‘Showtime’ sa buhay ko, ikamamatay ko. Nakuha ko na ‘yung halaga niya sa buhay ko,” aniya pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.