KATHRYN nagpapakahirap na nga sa trabaho, subsob pa sa pag-aaral
PARA kaming dumalo sa teenager’s party sa presscon ng Juicy Cologne para sa endorser nilang si Kathryn Bernardo dahil sa entrance palang ng 9501 Restaurant sa ABS-CBN ay may mga balloons nang nakasabit bukod pa iba’t ibang klaseng candies, iba’t ibang flavor ng popcorns at mini-cakes.
Naaliw din kami sa give-aways na mga pambatang bracelets at meron pa silang pakulong “design your own bracelets”. Kaya naman kitang-kita kay Kathryn kung gaano ito kasaya dahil siya ang unang celebrity endorser ng Juicy cologne.
“Sobrang saya talaga. Sobrang dami ng artista na puwede nilang piliin, and then, ikaw ‘yung pinagkatiwalaan nila to endorse the product and to promote it, so I’m very thankful po sa lahat ng blessings na dumarating ngayon,” saad ng isa sa hottest youngstar ng ABS-CBN.
Samantala, tuluy-tuloy pala ang pag-aaral ni Kathryn maski na hectic ang schedule niya sa tapings, “Kinakaya ko pa naman siya. Actually, basta pag Tuesdays, after ng morning class ko, puwede na akong dumiretso sa work and then, pag Saturdays, as in block-off ‘yun for my school lang the whole day.
So, ayun, kinakaya ko naman sa nga-yon,” paliwanag ng dalagita. Aminado ang batang aktres na bahay, eskuwelahan at trabaho lang ang routine niya sa araw-araw at walang time gumimik na dapat sana’y ginagawa ngayon ng tulad niyang teenager.
“Feeling ko, lahat ng blessings ngayon, ‘yun (gimik) talaga ang kailangang i-give-up and feeling ko naman, kung social life lang ang hinahanap ko, andito na ‘yun sa trabaho ko, so hindi ko na rin kailangang hanapin.
Hindi rin naman ako magimik,” sey pa nito. At dahil disisyete palang si Kathryn ay hindi pa siya ang may hawak ng kinikita niya kundi ang mama niya dahil hindi pa niya kaya, “Pero sinisigurado naman din niya na mayroon akong allowance for my shopping minsan or kung ano ‘yung gusto mo.
Pero hindi naman parati. Alam mo ‘yun, pag you work hard for it, may reward naman,” sey ng dalagita. Tinanong din siya kung bakit naantala ang pagpapalabas ng Got To Believe teleserye nila ni Daniel Padilla.
“For me, I think, binigyan lang kami ng longer time para lalong mapaganda ang project saka para mas magkabangko kami kasi medyo hindi pa marami ‘yung nate-tape namin.
And I think, ‘yung management, alam nila ‘yung right time kung kelan talaga kami puwedeng ipasok. Pero I think, very soon na po,” paliwanag nito.
Ang komento ni Kathryn sa isyu na mas nauna pang umere ang ng soap ng kaibigang si Julia Montes na Muling Buksan Ang Puso kesa sa serye nila ni Daniel, “Actually, wala naman pong issue ‘yun pero I think naman, magsasama rin kami sa isang project, same network din naman so, wala naman ‘yun,” pahayag ni Kathryn.
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.