Marikina River ligtas mula sa African Swine Fever — Teodoro
TINIYAK ni Marikina City Mayor Marcelino Teodoro kahapon na ligtas ang Marikina River mula sa African Swine Flu (ASF).
“Based on the ASF virus analysis of the Laguna Lake Development Authority, Marikina River tested negative for ASF,” sabi ni Teodoro.
“Maybe because we were able to quickly retrieve the carcasses of the pigs; that’s why the level of contamination is not so much,” dagdag ni Teodoro.
Idinagdag ni Teodoro na kumuha ang Laguna Lake Development Authority (LLDA) ng water sample mula sa tatlong station para masuri kaugnay ng ASF.
Kabilang dito ang Circulo Verde sa Pasig; ang boundary ng Jesus Dela Pena at Sta. Elena; at Bayabas st. sa Barangay Nangka.
Ito’y matapos namang nauna nang marekober ang 65 patay na bago mula sa Marikina River noong Setyembre.
“Nag-increase ang pollutants dahil tumaas ang biochemical oxygen demand, but the fact remains na ‘yung isda noong tinest sa Ecoli and Staphylococcus Aureus, is below the regulatory limit. Meaning safe to consume and eat ang mga isda sa Marikina River,” sabi ni Mayor Teodoro.
“Salmonella ay absent sa water, wala siya. Iyong Staphylococcus Aureus, kapag mayroon, it causes gastroenteritis. Ang Salmonella naman, typhoid ang makukuha,” ayon pa kay Teodoro.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.