Maine kay Carlo: Siya talaga ang gusto kong maging leading man
Aminado si Maine Mendoza na may mga fans sila ni Alden Something na hindi tanggap ang pakikipagtambal nila sa ibang artista.
“Parang given naman po na meron talagang group of people from the fandom na hindi matutuwa sa bagong pairing. Pero nandito na ito, eh. Parte talaga siya ng showbiz na hindi puwedeng ‘yun at ‘yun lang din ang makakatrabaho mo. Ang feeling ko eventually ay maiintindihan din nila na it’s the chance of the artist to grow and to explore,” paliwanag ni Maine sa presscon ng “Isa Pa With Feelings,” her upcoming movie with Carlo Aquino.
Inamin din ni Maine na naging crush niya si Carlo, “Siya po talaga ang gusto kong maging leading man. Kasi noong napanood ko ‘yung movie nila ni Bela (Padilla) ‘yung ‘Meet Me In St. Gallen,’ talagang ‘yung admiration ko doon sa character niya na Jessie, ewan ko noong napanood ko siya parang nagging crush ko siya ng slight.
“Pero paglabas ng sinehan ay nawala rin naman. Iba siya sa big screen. So sinabi ko na parang kung magkaka-movie ako ay sana bigyan ako ng chance na si Carlo ang makapareha ko,” she added.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.