African Swine Fever naitala na rin sa Pampanga, Pangasinan; Palasyo iginiit na tiwala pa rin kay Dar
NANINIWALA pa rin ang Palasyo na kontrolado ng Department of Agriculture (DA) ang sitwasyon kaugnay ng outbreak ng African Swine Fever (ASF) sa bansa sa kabila naman ng ulat na may naitala na ring kaso sa Pampanga at Pangasinan.
Sa isang briefing, iginiit ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na kumpiyansa pa rin si Pangulong Duterte sa mga ginagawang hakbang ni Agriculture Secretary William Dar para makontrol ang ASF.
“I’m sure the Secretary of Agriculture is competent enough to handle this situation. He hasn’t said anything about not handling it,” sabi ni Panelo.
Kasabay nito, sinabi ni Panelo na desisyon na rin ng mga lokal na pamahalaan kung magpatupad ng ban matapos namang ipagbawal ni Davao City Mayor Sara Duterte ang pagpasok ng mga karne ng baboy mula sa Luzon.
“Mayor Sarah certainly is doing her job as Mayor. She’d want to protect her constituents,” ayon pa kay Panelo.
Ipinagtanggol naman ni Panelo ang mga panibagong kaso ng ASF sa bansa sa kabila ng naunang pagtiyak ng DA na kontrolado na ang sitwasyon.
“Kung nakalusot eh; alam mo kapag merong contagion kung minsan mahirap ding pigilin,” ayon pa kay Panelo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.