Esep-esep coach Perasol | Bandera

Esep-esep coach Perasol

Dennis Eroa - , October 02, 2019 - 04:59 PM

LUBOS ang aking paghanga sa University of the Philippines Fighting Maroons.

Bagamat ako ay true-blooded Red Warrior ng University of the East, hindi naman nawawala ang aking respeto sa mga manlalaro ng UP tulad nina Paolo Mendoza, Bryan Gahol (rest in peace), Jenkins Mesina, Ronnie Magsanoc, Benjie Paras, Ricky Dandan, Eric Altamirano, Joey Guanio, Raymond Celis at marami pang iba.

Dagdag pa rito ang mga kasangga ko sa trabaho na mga totoong tao. Passionate ang mga Isko at Iska sa lahat ng bagay (maging sa pag-ibig sa Inang Bayan) lalo pa’t hindi na pipitsugin ay tunay namang mataas ang ‘’expectations” ng mga taga-Diliman sa kasalukuyang Fighting Maroons.

Ngunit nais kong punahin ang inugali ni UP coach Dolreich ‘Bo’ Perasol na mukhang kailangan ng ‘‘anger management” upang maka-pokus sa kanyang tungkulin.

Alam na ng lahat ang nangyari. Napatalsik mula sa court si Perasol matapos na akmang sasapakin ang reperi matapos na hindi natawagan ang di-umano’y foul ang ginawa ni Ateneo center Ange Kouame kay Jerson Prado sa third quarter.

Third quarter pa lang po ito at hindi pa naman matatapos ang laban. Ibig sabihin kung hindi nagwala (kailangan siyang pigilan ng kanyang mga manlalaro) na tulad ng isang bulkang sumasabog ay mas magagampaman pa ni Perasol ang kanyang tungkulin na makahanap ng pangontra sa dominasyon ng Blue Eagles na nagwagi sa laro, 89-63.

Hindi na bago kay Perasol ang mawala ang kanyang composure. Maaring sa kagustuhan niyang manalo ay malaki ang pressure sa kanya kaya minsan ay nawawala sa pokus si Perasol.

Ganito naman ang sa akin.

Ang pagkakaalam ko ay handang tumanggap ng pagkatalo ang UP. Bawi na lang sa second round, di ba? Hindi naman masama ang ipinakita ng Maroons sa first round at mahaba pa ang liga.

Sa kalaunan ay may nabasa akong pahayag mula kay Perasol at ito naman ay hindi masama. Ito ay welcome development. Kung sa akala ninyo ay mga taga-Ateneo lang ang naasar sa inasal ni Perasol ay may mga taga-UP na hindi rin ‘‘feel” ang ginawa ng kanilang head coach.

Kaya tuloy pinatawan siya ng 3-game suspension ng UAAP dahil sa kanyang inasal.

Nawa’y magsilbing aral kay Perasol ang nangyari. Hindi masamang ideya na kopyahin niya ang estilo ni San Miguel Beer coach Leo Austria na dahil sa ‘‘chillax” lang kahit pa gaano kainit ang bakbakan ay isa na ngayon sa tinitingalang coach ng bansa.

Hindi kasi apektado si Austria ng mga tawag ng reperi (hindi sila perpekto). Mas ninanais pa niyang ituon ang buong pansin kung paano sagipin o ipagpapatuloy ng kanyang koponan ang mahusay na laro.

I wish Bo Perasol and the UP Maroons the best of luck. Pero ang sigaw ng bayan, Gising Bo dahil ayaw kitang ma-BOO!

PSC SA MINDANAO

Lalo pang pinalakas ng Philippine Sports Commission (PSC) sa pamumuno ni chairman Butch Ramirez ang ugnayan ng ahensya at ng mga local government sa Mindanao.

Ginawa ng PSC ang tinatawag na Sports for Peace programs sa Maragusan, Compostela Valley at Bukidnon.

Dumalo sa Ate-Kuya volunteers orientation program si Maragusan Municipal Mayor Maricel Colina-Vendiola na pinasalamatan si chairman Ramirez sa pagdaraos ng Children’s Games sa kanilang lugar.

Makulay ang ginawang Children’s Games sa Maragusan. Buhay na buhay ang palaro, ayon kay PSC Mindanao cluster head Ed Fernandez.

Aabot sa 200 mga bata at 20 Ate-Kuya volunteers ang lumahok sa Children”s Games tulad ng tug of peace, mukhang kamatis, sack race, hug relay, balloon race, at iba pa.

Nagpunta rin sa Bukidnon ang PSC. May mga pulong na ginawa at mga coaching clinics tungkol sa table tennis, athletics, taekwondo, boxing, at badminton.

Suportado ni Gob. Jose Ma. Zubiri, Jr. ang mga gawain na tinuldukan ng Children’s Games sa Folk Arts Theatre, Kaamulan Park, Malaybalay City.

BIYAYA KAY MARCIAL

Pangungunahan ni AIBA World Championships silver medalist Eumir Marcial ang kampanya ng Pilipinas sa darating na Southeast Asian Games at paborito siya para manalo ng gintong medalya dito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ngunit bago sumabak sa biennial Games ay tumanggap ng tumataginting na P500,000 mula sa MVP Sports Foundation. Mismong si MVPSF chairman Manny V. Pangilinan at president Al Panlilio ang nagbigay ng tseke kay Marcial.

Kasama ni Marcial sa awarding ceremonies si Elite men head coach Ronald Chavez, ABAP secretary-general Ed Picson, ABAP president Ricky Vargas, ABAP coaching consultant Don Abnett, coach Roel Velasco, MVPSF executive director Ryan Gregorio at Maita David (MVPSF).

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending