Kris Bernal sumakay ng jeep para mag-deliver sa customer; mga pasahero na-shock | Bandera

Kris Bernal sumakay ng jeep para mag-deliver sa customer; mga pasahero na-shock

- September 30, 2019 - 12:10 AM

BONGGA ang naisip na marketing strategy ng Kapuso actress na si Kris Bernal para sa kanyang cosmetics business.

Alam n’yo ba na siya mismo ang nagde-deliver ng items sa kanyang customers kapag may time siya at walang taping para sa Kapuso afternoon series niyang Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko.

Sa bagong video na ipinost ni Kris sa YouTube makikita ang pagsakay niya sa jeep sa bandang Welcome Rotonda para mag-deliver ng 50 lipsticks sa isa niyang reseller.

“Ngayon may surprise delivery tayo pero to the next level na kasi magko-commute ako. Ita-try kong mag-jeep na matagal ko nang hindi nagagawa,” kuwento ni Kris.

Tuwang-tuwa naman ang mga kapwa pasahero ni Kris nang makita siya sa jeep. Dito, kinausap din niya ang barker ng pampasaherong sasakyan na tumatawag ng iba pang mga pasahero.

Dagdag pa ni Kris, “Sa totoo lang hindi ito ‘yung first surprise delivery ko. Siguro marami na akong nagawa, mga five to eight – surprise lang ‘yun. Kasi kapag Quezon City, madalas pinupuntahan ko rin.”

Samantala, tuluy-tuloy pa rin ang paghahasik ng lagim ni Naomi (Kris) sa horror-suspense-drama na Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko para maagaw muli si Matteo (Rayver Cruz) kay Yvie (Megan Young).

Wala nang sasayanging panahon ang naghihiganting multo para maisakatuparan ang kanyang planong paghihiganti. Gamit ang katawan ni Katya (Kim Domingo), magtagumpay na kaya si Naomi sa pang-aakit kay Matteo? Ikakagulantang n’yo ang gagawing resbak ni Yvie laban kay Naomi!

Napapanood pa rin ang Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko after Eat Bulaga sa GMA Afternoon Prime.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending