Jerome: Ayokong makasakit ng LGBTQ | Bandera

Jerome: Ayokong makasakit ng LGBTQ

Ervin Santiago - September 29, 2019 - 12:30 AM

JEROME PONCE

“Ayokong makasakit ng mga kaibigan natin sa LGBTQ community,” ang pahayag ni Jerome Ponce sa pagganap niya bilang bading sa upcoming Regal Films movie na “Ang Henerasyong Sumuko Sa Love.”

“Aminado naman ako na natakot ako kasi una mga kasama ko sa industriya na gay rin, sila mismo nagsasabi sa akin na mahirap talaga maging ganun lalo na sa buhay nila at yung mga pinagdaanan nila.

“Nagpapakuwento ako eh. Kasi nung gumanap ako sa MMK ng gay role, mahirap kasi simula bata hanggang sa mag-out out nahirapan. So yun yung buhay na kinakatakot ko na hindi ko ma-portray ng maayos. Ayoko rin makasakit ng mga kapwa ko sa industriya,” aniya.

Ang hunk actor na si Anjo Damiles ang magiging partner niya sa movie, “Basta challenging siya in a way na I did my best na lang. Pag umatras ako dito ang pangit naman pakinggan. ‘Jerome umatras sa eksena na ganito na sa character.’ Sad naman sa director na mali-limit yung movie niya dahil sa hindi kaya ng artista and nag-trust siya sa akin. Kinuha niya ako para gawin ito.”

Inamin din ng Kapamilya actor na napakarami niyang “nilunok” para sa “Ang Henerasyong Sumuko Sa Love”, “Siguro mas pipiliin ko pang ma-stress kung paano ko makuha yung drama sa iyakan at mabibigat na eksena kesa yung doon kasi aminado ako ang dami kong nilunok na paninibago. Masarap din sa pakiramdam na ang galing na na-exceed ko yung limit.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending