Eula hindi nakatanggi kay Angel, biglang nagpa-tattoo
“Ako, private ako na tao. Kasi itong samahan namin, sasabihin ninyo showbiz kasi matatapos na ‘yung show, mami-miss namin ang isa’t isa.
“Maganda ang samahang nabuo ng cast members ng The General’s Daughter.”
Ito ang ini-reveal ni Eula Valdez na gumanap bilang Corazon sa serye at ina ni Rhian played by Angel Locsin.
“Pero ito totoo. Proof ‘yung…alam n’yo ba na kahit may trabaho kami kinabukasan, pag may magyaya na lumabas ay lumalabas kami.
“Gusto ko silang makasama. Katulad si Angel, tinanong lang ako sa taping, ha. ‘Miss Eu, patattoo tayo.’ Sabi ko, ‘O, sige. Kailan?’ ‘Bukas.’ Ganu’n lang,” chika ni Eula.
She then showed her tattoo sa members ng entertainment media na nasa kanyang arm and said, “Eto, pangalan ng mga anak ko. Ibig kong sabihin, ganoon ang desisyon. Walang kaabog-abog na, ‘parang ayoko yata.’ May katuturan ang samahan naming lahat gusto ko after ng show ay maging for keeps na ang friendship namin.”
Nasa huling linggo na next week ang The General’s Daughter at pasabog ang mga huling gabi nito.
Siguradong ikaka-shock ng viewers ang last twist ng kuwento.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.