NAGSISIMULA na umanong umihip ang Hanging Amihan sa bansa.
Ayon kay Gener Quitlong, weather specialist ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration, nasa transition period na ang panahon ng bansa at unti-unti ng papalitan ng Amihan ang Hanging Habagat.
“Nasa transition period na po tayo mula sa Habagat papuntang Amihan,” ani Quitlong.
Kadalasan ay idinedeklara ang Amihan o malamig na hangin mula sa China sa ikatlong linggo ng Oktubre o unang
linggo ng Nobyembre.
Samantala, ang shallow low pressure area naman na nasa Guiuan, Eastern Samar ay inaasahang malulusaw sa loob ng dalawa o tatlong araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.