#Ikaw na ang lucky: Lovi Poe swerte na sa career, jackpot pa sa lovelife
Personal na acting coach ang kinuha ni Lovi Poe nang manatili sa Los Angeles, California sa loob ng limang buwan.
Hindi siya pormal na nag-aral sa isang acting school doon dahil bawat araw ay may isang acting coach siyang kasama para mas mapalawak pa ang kanyang talento sa pag-arte.
“Hindi siya acting school. It’s not a course. It’s just different. I had different acting coach na kasama. One on one sila, iba-iba,” saad ni Lovi nang makausap ng press.
Feeling burned out si Lovi kaya nag-break muna siya sa trabaho. Fifteen years old pa lang kasi siya eh todo kayod na siya sa showbiz kaya naisipan niyang magbakasyon muna and at the same time nga ay makapag-acting workshop.
“I feel like I needed to reset the button and just replenish my soul and at the same time learn my craft while I was out of the country,” rason ng Primera Aktres.
Ang Kapuso primetime series na Beautiful Justice ang unang proyektong ibinigay sa kanya ng GMA 7 pagkabalik niya sa bansa at talaga namang fresh na fresh ang kanyang awra niya.
Napanood din siya sa anniversary special ng Tadhana hosted by Marian Rivera kung saan gumanap siyang OFW na dumaan sa matitinding pagsubok bago nakamit ang tagumpay.
Imagine, pinagbuti na niya ang acting skills sa ibang bansa, maligaya pa niyang naka-sama ang rumored boy-friend niyang British producer, huh!
Isa si Lovi sa mga iilang celebrities na pinagpala talaga, yung swerte na sa career lucky pa sa lovelife!
Kasabihan na kasi sa showbiz na kapag mabunga ang career, nganga sa lovelife. Pero iba si Lovi Poe!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.