BURNOUT ka na ba sa work mo?
Anong dahilan?
O baka, sino ang dahilan ng burnout na ito?
Alam mo bang marami ng research at studies ang nagsasabi na ang mga boss at maging ang mga co-employees ang dahilan ng sinasabing burnout sa trabaho?
Many would also believe that burnout is one of the reasons why excellent and highly-skilled and efficient employee loses his or her creativity, values and productivity.
Burnout persists kapag si boss ay disconnected o kaya naman ay merong favoritism sa opisina at pagawaan. Yun bang ang dami mo nang perang naipasok o ang dami mong na-satisfy na mga serviced accounts pero deadma pa rin si boss sa ‘yo, tapos pagagalitan ka pa.
Kagigil di ba? Nakaka-burn out yung ang dami at sunod-sunod na nga yung workload mo, pini-pressure ka pa ng kung ano-anong utos. Tapos yung paboritong co-employees nagbibi-bisihan lang pero wala naman talagang ginagawa.
Dahilan din ng burnout yung palaaway, inggitera, tsismoso at intrigero na mga co-employees. Pasok din dito yung pahirapan sa pagbiyahe papasok sa trabaho at pauwi ng bahay. Sino ang hindi mabi-burnout don?
There should be a government workplace regulation requiring companies to provide routine rest and recreation for burnout workers or other activities such as seminars and workshops that would improve workplace environment and capacitate employees to cope with and manage burnout.
Since work-related burnout is very common and very dangerous to the health and well-being of employees and to the status of the company, there should be paid burnout leave to allow suffering employees to rest and recover.
Doon sa mga nag-kasakit na employees because of work-related burnout, they should be given health insurance o mai-reimburse man lang ang expenses nila sa medicines, consultation fee, confinement, and pro-fessional fee.
Sa ngayon kasi, invisible pa ang burnout condition sa work setting. At walang mga policies at regulation sa government and enterprise level addressing the ever-present burnout condition. It is high time for government and employers to come up and address this very common and dangerous work-related issue.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.