2 patay sa pagguho ng budget hotel sa Malate | Bandera

2 patay sa pagguho ng budget hotel sa Malate

- September 23, 2019 - 04:31 PM

DALAWA ang kumpirmadong patay matapos gumuho ang isang bahagi ng isang budget hotel sa Malate, Maynila, Lunes ng umaga.

Matapos ang halos anim na oras nang gumuho ang Sogo branch sa Malate, Maynila, narekober ng mga otoridad ang katawan ni Melo Ison.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, natagpuan ng mga rescuer ang katawan ni Ison ganap na alas-3 ng hapon sa ilalim ng mga gumuho na wala nang pulso.

Agad na dinala ang katawan ni Ison Ospital ng Maynila.

Samantala, nagpapatuloy ang retrieval operation para kay Jeromie Fabello, ang isa pang nakulong sa loob ng gumuhong gusali.

“Nalulungkot tayo sa ganitong uri ng aksidente but for now I think the least thing that we can do is to address the family,” sabi ni Moreno.

“We are very sorry to the family. Nakikiramay po kami, ang Lungsod ng Maynila,” ayon pa kay Moreno.

Gumuho ang Sogo Hotel, ganap na alas-9:30 ng umaga matapos itong isailalim sa demolisyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending