Ano’ng mas nakakatawa: Jowable o Kiko en Lala?
Boycott ang sagot ng netizen kay Super Tekla all because tinawag niyang “balaj” (balahura) ang movie ni Kim Molina na makakatapat niya sa takilya.
“Napanood ko ‘yung trailer ng ‘Jowable’ at kampante ako. Hindi nila crowd ‘yung mga bata, unlike Kiko En Lala. Nang mapanood ko ang trailer, ‘Oh my God, ganoon na pala talaga ka-balaj ang comedy movie.’
Sobrang nakakalungkot.
“Gaya nga ng sinasabi ko, ang daming salita na puwedeng ilapat pagdating sa komedya. Manood ka ng old movies na mga comedy, old school, pero ‘yung touch ng comedy, maganda.
“Kampante ako sa Kiko En Lala. Malapit ang puso ko sa mga bata kaya nang tanggapin ko yung project, ayoko ‘yung mga bakla na sobrang bastusin. Gusto ko ‘yung baklang kiliti, kiti-kiti na karakter, ‘yung mahuhumaling ‘yung mga bagets. Kahit saan ako magpunta, tumatakbo ‘yung mga bata, niyayakap ako. ‘Yun ang gusto ko kaya itong movie ko, pampamilya siya.”
‘Yan ang say ni Super Tekla in an interview kaya na-bash siya nang husto.
“Dapat wag panoorin ang movie ni Super Tekla-sa na wala pang napatunayan eh lakas makapangpull-down sa ibang artista. Puro lang kakornihan alam nya at nakakasuka ang pagmumukha.
“Makiisa para ipanawagan na i-boycott ang movie nya nang matauhan sya at magsilbing aral sa ibang artistang ang taas ng lipad at tingin sa sarili.”
“Kung comedy ang usapan, mas natawa ako ng lubusan sa #Jowable. ‘Yung Kiko En Lala, mas kinalkal pa sa baul ang tirada ng linya. Mas luma pa sa old school jokes at walang lalim. Pero kung sa kayabangan, natatawa ako sa ugali nitong si Tekla na akala mo ay may napatunayan na.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.