Retokadang female star hindi na nakilala ng mga kaklase sa reunion: Ibang tao na siya! | Bandera

Retokadang female star hindi na nakilala ng mga kaklase sa reunion: Ibang tao na siya!

Cristy Fermin |September 22,2019
facebook
share this

Retokadang female star hindi na nakilala ng mga kaklase sa reunion: Ibang tao na siya!

Cristy Fermin - September 22, 2019 - 12:40 AM

HINDI lang droga at alak ang nakakaadik, meron pang isang bisyong kinababaliwan, mga kababaihan ang madalas na malulong sa ganu’ng klase ng kaadikan.

Pagpaparetoke. Kilalang artista man o hindi, ang kaway ng pagpapaganda ng mukha at katawan ay malakas mang-imbita, may mga babae ngang halos sa klinika na nakatira.

May isang female personality na sobrang tutok na tutok sa kanyang kagandahan. Katatapos lang niyang magpaopera ng isang parte ng kanyang katawan ay hayun na naman!

Kuwento ng aming impormante, “Ewan naman kung bakit pa niya ipinagagalaw ang mukha niya, e, okey naman ang beauty niya! Maganda naman siya, ano pa ba ang kailangan niyang patunayan?

“Nakita na namin siya nu’ng wala pa siyang ipinagagalaw sa face niya, okey naman siya, okey naman ang itsura niya at parang wala nang kulang. Pero kung bakit kasi nagpabago pa siya ng face!” umpisang chika ng aming source.

Pagkatapos niyang ipagalaw ang kanyang ilong ay sumunod naman ang iba pang bahagi ng mukha ng female personality. Halos hindi na nga siya makilala ng mga dati niyang kaibigan.

Balik-chika ng aming impormante, “Nu’ng magkaroon nga sila ng class reunion, e, hindi na siya nakilala ng mga dati niyang kaklase! Ibang-iba na kasi ang itsura niya!

“Wala siyang maikakaila sa mga taong ‘yun, matagal silang magkakasama, kaya alam nila ang original niyang karakas! Pero dahil nga naadiktus na siya sa kapapaopera, e, ayan, parang ibang tao na siya!

“Minsan nga, e, tinanong siya ng friend niya kung anong happiness ang nakukuha niya sa kapapaopera. Wala raw, trip lang daw niya ‘yun!

“Aysus naman, trip lang ba ang pagpapabago niya ng ilong, pagpapalaki ng mga mata niya, pati ang lips niya, e, parang kinagat nang sanglaksang bubuyog sa sobrang kapal at pamamaga!

“Nakakaloka ang babaeng ‘yun! Maganda na siya dati, pero kung bakit ipinaretoke pa niya ang face niya! Ayan tuloy, para na siyang ewan!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Naku, ang babaeng ‘yun talaga, matigas ang ulo! Kaya siya hinihiwalayan ng mga nakakarelasyon niya, e! Iba-iba kasi ang itsura niya?

“Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, ikuha n’yo nga ng puwesto sa isang market na kapangalan niya ang babaeng ‘yan para mapahinga na siya sa kapaparetoke!” nakataas ang kilay na pagtatapos ng aming source.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending