Maymay kay Edward: Kung magkaka-BF ako, gusto ko siya na | Bandera

Maymay kay Edward: Kung magkaka-BF ako, gusto ko siya na

Ervin Santiago |September 21,2019
facebook
share this

Maymay kay Edward: Kung magkaka-BF ako, gusto ko siya na

Ervin Santiago - September 21, 2019 - 12:21 AM

“KUNG may future boyfriend man ako, gusto ko siya na!” ‘Yan ang diretsong inamin ni Maymay Entrata patungkol sa kanyang ka-loveteam na si Edward Barber.

Ayon sa dalawang Kapamilya stars, hindi pa talaga sila magdyowa pero umaming meron na silang mutual understanding o MU. Sabi ni Maymay, sa tamang panahon daw ay malaki ang posibilidad na maging sila ni Edward.

Sa panayam ng Tonight with Boy Abunda, sinabi ni Maymay na nakikita niya ang kanyang sarili bilang girlfriend ni Edward, “Sobrang thankful ako kay Dodong, kung may future boyfriend man ako, gusto ko siya. At hindi ko po kaya na mawala siya at makita na may iba siya.”

Aminado rin ang dalawa na nagkakaselosan din sila kung minsan. Sey ni Edward, “The only time na iyong selos level ko would go through the roof is when I see her with another guy.”
Chika naman ni Maymay, inaatake siya ng pa-cute na selos kapag may mga girls, especially foreigners na umaali-aligid sa kanyang “soulmate”.

Samantala, tiyak na hindi palalampasin ng MayWard fans sa buong universe ang guesting ng kanilang mga idolo sa episode tonight ng I Can See Your Voice hosted by Luis Manzano.

Sa trailer pa lang ng nasabing episode, taw na nang tawa si Luis sa mga eksena ng MayWard lalo na sa pakikipagkulitan ng magka-loveteam sa mga Sing-vestigators.

Laugh din nang laugh sina Maymay at Edward sa mga paandar nina Bayani Agbayani, Alex Gonzaga, Wacky Kiray at Andre E.

Pero ang tanong, mahulaan kaya ng MayWard kung sinu-sino sa mga bagong batch ng contestants ang mga seen-tunado at tunay na mga see-nger? Magkakaalaman na ngayong gabi sa isa na namang pampa-good vibes episode ng

I Can See Your Voice pagkatapos ng Maalaala Mo Kaya sa ABS-CBN.

Samantala, handang-handa na rin sina Maymay at Edward sa kanilang next major concert na “M.E. and U” sa Sept. 27 na gaganapin sa New Frontier Theatre sa Cubao.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending