Bashers ni Kim Molina sa ’Jowable‘ supalpal kay Candy Pangilinan | Bandera

Bashers ni Kim Molina sa ’Jowable‘ supalpal kay Candy Pangilinan

Ervin Santiago |September 19,2019
facebook
share this

Bashers ni Kim Molina sa ’Jowable‘ supalpal kay Candy Pangilinan

Ervin Santiago - September 19, 2019 - 06:06 PM

KIM MOLINA AT JERALD NAPOLES

DEDMA lang ang singer-comedienne na si Kim Molina sa mga nagsasabing wala pa siyang karapatang maging lead actress sa pelikula.

Kung marami ang natutuwa sa launching movie ni Kim na “Jowable” under Viva Films, meron ding mga taong namba-bash sa komedyana. Wala pa raw kasi siyang napatutunayan bilang aktres para magbida sa isang pelikula.

Sa guesting ni Kim kasama ang co-star niya sa “Jowable” na si Candy Pangilinan, sa Tonight with Boy Abunda, sinabi ng girlfriend ni Jerald Napoles na hindi na lang niya pinapansin ang kanegahan sa social media.

“Wala po. Hayaan ko lang po sila,” chika ni Kim. Nagpapasalamat naman daw siya sa mga netizens na nagsasabing panonoorin nila ang “Jowable” dahil tuwang-tuwa at tawang-tawa sila sa trailer nito.

Ipinagtanggol naman ni Candy si Kim sa mga bashers nito, “Ako, kung ako ikaw sasabihin ko, ‘well, I will prove you wrong. I was given a chance to have a lead role and I will prove you wrong because I did my best. Maybe the company itself believed na kaya ko, so I’ll just do my best.’”

Ikinuwento naman ni Kim kung paano nagsimula ang friendship nila ni Candy, “Yung first ko po na acting project, kasama ko po si Mama Candy du’n.”

Singit naman ni Candy, “Bago siya, mahiyain. So parati kong hinihila, halika nga rito. Tapos kapag tinatawag, siyempre first project, abala pa sa retouch. Sabi ko sa kanya, ’Halika na rito, bilisan natin!’”

“Parati ko siyang kinakausap kasi hindi siya nagsasalita,” dugtong pa nito.

Proud na proud din daw siya kay Kim dahil bidang-bida na ito sa sarili niyang movie and super thankful siya sa Viva Films na isinama siya sa cast, “Very proud. She really bloomed di ba? And ang galing nakakatuwa. Nakaka-proud.”

Sa trailer pa lang ng “Jowable” ay gumawa na ng ingay at kontrobersiya sina Kim at Candy dahil sa kanilang mga pasabog na dialogue tungkol sa sex.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero sey ng dalawang aktres, ang “Jowable” ay kuwento ng “acceptance” at “affirmation” ng isang babae sa kanyang sarili. “It’s funny and edgy,” sey pa ni Candy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending