Joseph nanginig sa love scene nila ni Ritz sa ‘Los Bastardos’ | Bandera

Joseph nanginig sa love scene nila ni Ritz sa ‘Los Bastardos’

Reggee Bonoan - September 20, 2019 - 12:05 AM

JOSEPH MARCO AT RITZ AZUL

TINUTUKSO sina Ritz Azul at Joseph Marco sa nakaraang Los Bastardos “Walang Sukuan” mediacon dahil sa kanilang mga love scene sa serye.

Namumula naman ang aktor sa panunukso sa kanila kaya natanong si Ritz kung nililigawan ba siya ng kapartner niya sa Los Bastardos.

“Hindi!” sabi ng dalaga sabay bawing, “Ay gusto ko siya na lang ang sumagot.”

Singit naman ni Joseph, “We’re good friends.”

“Napaka-safe!” hirit ni Ronaldo Valdez kaya nagtawanan ang lahat ng nasa mediacon.
Natawa rin si Joseph, “We’re friends, masasabi ko lang, we’re getting to know each other.”

Sa tanong kung may balak siyang ligawan si Ritz, “May balak ka bang magpaligaw (tanong niya sa dalaga), well hindi mo naman masasabi ‘yan. Kung gusto mong ligawan, liligawan mo na lang, but as of now, were getting to know each other, we’re enjoying working together.”

Hirit ulit ni tito Ronaldo, “Pero ‘yang ganyang bangayan (tuksuhan), diyan nag-uumpisa ‘yan.”

Si Ritz naman ang tinanong kung may pag-asa ba ang aktor kung liligawan siya, “Hindi ko alam kung manliligaw ba talaga siya. Iwan na lang natin sa isipan ng mga tao ‘yan. Ha-hahaha! Showbiz answer.”

Samantala, pagkatapos ng mediacon ay inamin ni Ritz na masaya ang puso niya ngayon pero hindi dahil kay Joseph kundi dahil sa isang matalik niyang kaibigan na matagal na niyang kakilala at nagki-care sa kanya.

No boyfriend since birth si Ritz dahil ang payo ng ama, “Yung papa ko kasi sinabi niya sa akin, tinuruan niya ako, well sa family namin na ang boyfriend kasi para sa kanya na puwedeng palitan, so ayaw niya ‘yung ideyang ganu’n na papalit-palit. Gusto niya kapag may na-meet ako, siya na hanggang sa ending, hanggang finale.

“E, ako ngayon, sobrang tutok ako sa career ko and ito namang na-meet ko na sobrang bestfriend ko ngayon, sobrang sinusuportahan niya ako sa lahat ng bagay sa buhay ko so natutuwa ako,” kuwento ng dalaga.

Kung mayroon na pala siyang bestfriend na nagki-care sa kanya, bakit sila tinutukso ni Joseph Marco? “Ano ‘yun, lagi lang kaming inaasar sa set kasi kinikilig din ‘yung cast sa amin. Kaya kapag nasa set kami, kinukumusta ko siya tapos sabay hug ko siya, mga ganu’n. Saka namumula lagi siya kaya I think kaya lagi siyang inaasar kasi nahihiya.”

Sa ngayon ay walang paramdam pa ang aktor sa dalaga, “Masaya lang kaming magkatrabaho sa set talaga, lalo na kung may eksena kaming kilig-kilig din. Parang ang dali-dali lang.”

Type ba ni Ritz si Joseph? “Guwapo si Joseph, mabait, professional, sobrang gentleman,” papuri ng dalaga sa binata.

Hirit namin, hindi rin two-timer ang aktor, “Ah talaga?” napangiting reaksyon ni Ritz.

“Well, hindi ko pa kasi siya kilala as Joseph, well, lets see,” sambit ni Ritz.

Tinanong namin kung bakit ninenerbyos ang aktor sa love scene nila, “Oo sobrang kinabahan siya, first time kong magkaroon ng kaeksenang lalaki sa love scene na sobrang kinabahan. Marami na akong naka-love scene noon sa TV5.

“Hindi ko alam kung kinabahan din ‘yung iba, pero ngayon, sobrang showy na kinabahan si Joseph. Tense na tense ‘yung katawan niya. Sobrang gentleman at natatakot siya na baka mabastos niya ‘yung partner niya.

“Kaya sabi ko sa kanya, ‘huy huwag kang kabahan. Okay lang ‘yan.’ And nakita kong mapagkakatiwalaan siya, wala akong masabi sa kanya, sobrang gentleman lalo na ‘yung time na ‘yung hindi pa kami masyadong magkakilala, naging maganda (samahan),” kuwento ni Ritz.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, hanggang Set. 27 na lang ang Los Bastardos at abangan ang iba pang mga twist sa kuwento.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending