Bida Man Yuki Sakamoto game magpakita ng 'birdie' | Bandera

Bida Man Yuki Sakamoto game magpakita ng ‘birdie’

Alex Brosas |September 19,2019
facebook
share this

Bida Man Yuki Sakamoto game magpakita ng ‘birdie’

Alex Brosas - September 19, 2019 - 12:30 AM


BALIK sa pagkanta ang Bida Man sixth placer na si Yuki Sakamoto at Yheen Valero. Ni-relaunch nila recently ang album nilang “Yheen And Yuki” sa Cove Manila.

“Usapan naman talaga namin ‘yun, eh. Sa kanya, gusto niyang mag-artista pero at the same time buo pa rin kaming dalawa sa music. Gumawa muna ako ng solo album, Karapat Dapat,” paliwanag ni Yheen.

It’s a digital album na available na sa Spotify. It is composed of four songs, You’re Beautiful, Lucia, Ito Ang Totoo at 1IT2,” chika ni Yheen.

“May iba-iba kasi kaming ginagawa. Siya nag-focus sa music, ako naman sumali sa Bida Man. Nasa Top 6 ako. Mayroon akong upcoming movie with Phoebe Walker at iba pang baguhan,” say ni Yuki.

Willing ba siyang magpaseksi?

“Why not,” agad-agad na sagot ni Yuki na sobrang kinis ng kutis dahil may lahi pala itong Japanese.

“Kahit saan. Lalaki naman tayo so walang mawawala,” say ni Yuki when asked kung hanggang saan siya willing maghubad.

Kahit frontal? “Depende naman sa scene. Kung ikagaganda ba. Kung kailangang mag-frontal, why not. Wala namang mawawala sa akin, eh,” palabang sagot ni Yuki.

How about love scene sa kapwa lalaki? “Depende po talaga sa scene. Kapag maganda po talaga. Hindi naman po ako picky kasi baguhan pa lang po ako. Nag-e-explore po ako ng mga roles so kung mayroong mga ganong eksena na ibibigay sa akin okay naman po ako doon.”

Nakalabas na sa ilang shows sa ABS-CBN si Yuki like La Luna Sangre at sa ilang pelikula ni Vice Ganda.
Makulay ang buhay ni Yuki dahil hindi pa niya nakikilala ang kanyang Japanese father.

“Noong nagpunta kami ng Japan ni Yheen, tinray kong hanapin ang father ko kaso ang nabigay sa aking number ng mommy ko, hindi na siya natatawagan. Nabalitaan ko po, kasi parang sinabi ko po sa TV, parang may kumontak sa tito ko at sinabing, ’hoy alam ko kung nasaan ang tatay ng batang ‘yan. Kapag nagbalik ako sa Japan next year, sana makita ko na siya,” say ni Yuki.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Busy naman si Yheen sa kanyang business na clothing line, sa pagbabanda, sa modeling. Sa ngayon ay tinanggal muna niya ang mga ito to concentrate on his singing.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending