Fans nina Alden at Maine tuloy ang bakbakan; patalbugan ng powers sa socmed | Bandera

Fans nina Alden at Maine tuloy ang bakbakan; patalbugan ng powers sa socmed

Jun Nardo - September 19, 2019 - 12:20 AM

PATULOY ang bakbakan ng mga fans sa Twitter kaugnay ng mga proyekto nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Para sa bagong serye ni Alden sa GMA 7, ang hashtag na #TheGiftPagkupkop (third night) ang gamit ng supporters ng Pambansang Bae habang kay Maine naman ang hashtag na #IsaPaWithFeelingsin28Days ang pina-trend ng fans para sa movie nila ni Carlo Aquino.

As of this writing, may 312K tweets na ang The Gift habang may 16K tweets naman ang movie ni Meng.

But wait, humihirit pa rin ang AlDub fans gamit ang hashtag na #ALDUBYouAreInspiring na may 6K plus na tweets, huh! Sila ang mga loyal fans nina Maine at Alden na patuloy ang suporta sa Phenomenal Loveteam kahit na nagkanya-kanya na sila ng proyekto.

Samantala, ipinagbubunyi rin ng fans ni Maine ang paghamig ng 2.5 million hearts (pinusuan) ng teaser ng “IPWF” sa loob ng 24 oras. Magandang senyales ito para sa pelikula nina Carlo at Maine. Ibig sabihin, malaki ang chance na maging blockbuster din ito tulad ng “Hello, Love, Goodbye” nina Kathryn Bernardo at Alden.

Sa isang banda, na-pack up naman ang taping ng The Gift sa Divisoria nitong nakaraang mga araw dahil sa malakas na ulan ayon sa tweet ng director ng serye na si LA Madridejos.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending