Maxine Medina sa pandudura ni Kylie Versoza: Nag-sorry siya after 4 days | Bandera

Maxine Medina sa pandudura ni Kylie Versoza: Nag-sorry siya after 4 days

Reggee Bonoan |September 19,2019
facebook
share this

Maxine Medina sa pandudura ni Kylie Versoza: Nag-sorry siya after 4 days

Reggee Bonoan - September 19, 2019 - 12:05 AM

SA ginanap na Los Bastardos “Walang Sukuan” mediacon kahapon ay inamin ni Kylie Versoza na totoong nagkasakitan sila ni Maxine Medina sa ilang eksena dahil pareho silang nadala sa emosyon.

“Right after naman po nag-sorry naman ako. Nadala po ako sa eksena. ‘Yung character ko po bilang si Dulce ang nakasakit kay Maxine hindi po si Kylie,” bungad ng beauty queen turned actress.

Unang teleserye raw ni Kylie ang Los Bastardos kaya medyo nangangapa pa siya, “Bida po ako na naging kontrabida. Sobrang biglaan ang pagka-switch akala ko po bida ako the whole time. As a first timer po, nahirapan ako sa role at sobrang na-challenge po ako.”

“Nagkaroon po kami ng eksena ni Maxine, patapos na po ‘yung show, sobrang intense na po ang mga emosyon namin … sobrang napalakas ‘yung lahat kasi super heightened po ang emotions ko, ako kasi naka-posas ako noon at siyempre hindi po maiwasan na may masasaktan,” lahad pa ni Kylie.

Sa tanong kung nag-sorry naman agad si Kylie sa pandudura niya kay Maxine na wala sa script, “Okay naman po kami ni Maxine ngayon,” saad ng dalaga sabay tingin sa kapwa beauty queen.

Nasulat namin dito sa BANDERA na baka kasi nagselos si Kylie kay Maxine dahil marami silang kissing scene bilang asawa siya ni Jake sa serye at boyfriend naman niya ang aktor sa totoong buhay.
Sagot ni Kylie, “Ay hindi po kasi kami rin naman ni Jake maraming kissing scenes. Sila pong dalawa (Jake at Maxine) they never gave me a reason to feel bad or to feel na mainggit po, friends po kaming tatlo.”

Ano naman ang komento ni Maxine sa pagso-sorry na si Kylie sa kanya? “Nag-sorry naman after four days na nangyari ‘yung scene, so siguro kasi lesson na rin ito na before gawin ang eksena, let’s talk about it, para if ever na may mangyaring hindi kanais-nais, kailangan nating mag-sorry agad.

“Naikuwento ko nga sa lahat na mayroon naman kami nito ni Ritz (Azul) na sapakan sa Ipaglaban Mo, as in sampalan at sabunutan, pero pinag-usapan namin.

“Sa (Los Bastardos), nagpaalam ako sa kanya (Kylie) ng sampal, pero tapos na tayo, nag-sorry na siya sa akin at okay na po kami,” nakangiting saad ni Maxine.

Singit naman ni Kylie, “Nagbibiruan na po kami right after kaya okay na po. Tama nga na dapat nag-usap kami bago gawin ‘yung scene. Siguro ‘yun lang po ‘yung pagkukulang ko or pagkukulang namin. First eksena po kasi namin sa umaga, so sana nga po napag-usapan namin.”

Bakit nga ba umabot ng four days bago nakahingi ng sorry si Kylie kay Maxine?

“Ang alam ko po nag-sorry ako agad-agad. Tapos nag-usap na kami, normal na kami on set, actually nagulat nu’ng lumabas ang isyu na ito at nasasaktan ako. Hindi ko po alam kung bakit nangyari.

“Sana man lang kinonfront man lang ako sa set if she (Maxene) was feeling bad, ‘yun nga po hindi maiiwasang may masasaktan. Okay na at puwede naman po kaming magkatrabaho ulit,” esplika ng girlfriend ni Jake.

At dahil sa duraan at sapakan scene nina Kylie at Maxine ay nakamit nito ang pinakamataas na rating ng Los Bastardos.

Mula Oktubre, 2018, tinutukan ng mga manonood ang serye at nagkamit ito ng all-time high national TV rating na 20.3%, ayon sa datos ng Kantar Media. Pinag-usapan din ito online at naguna sa trending topics at nakalikom ng libo-libong views sa YouTube at iWant.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, kaabang-abang pa ang mga eksenang mapapanood sa nalalapit na pagtatapos ng Los Bastardos sa Set. 27 mula sa business unit ni Ruel Bayani.

Ang Los Bastardos ang pinakamatagal na series ng Precious Hearts ng ABS-CBN na umabot na sa 50 weeks sa direksyon nina Raymond Ocampo, Carlo Po Artilliaga at Digo Ricio.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending