HELLO po Ateng Beth,
Si Miggy po ito, 16 years old po from Manila. May tatanong lang po sana ako. Meron kasi akong girlfriend na classmate ko rin. Nasa senior high school po kami pareho. Madunong naman siya sa klase. Pero lately lagi na lang siyang walang assignment at di nakakasabay sa mga projects namin. Tapos yung relasyon din namin ay napapabayaan na rin nya.
Kasi po adik na adik siya ngayon sa ML (mobile legends). Wala na siyang time para kausapin ako dahil sa kakalaro nitong game na to. Kapag uwian na, di ako makasabay dahil nagpapaiwan sa school para doon maglaro.
Ano bang gagawin ko sa kanya?
Miggy, Manila
Hello, hello, hello Miggy!
Aba, kakaiba naman talaga itong istorya mo, at para yatang baliktad. Imbes na ang babae ang nagrereklamo sa pagiging adik ng boyfriend sa ganitong uri ng laro sa Internet, ikaw na isang boy ang nagrereklamo sa pagiging adik ni girlfriend.
Naku, hijo, isa lang ang malinaw na malinaw ngayon, hindi ikaw ang priority ni girlfriend ngayon sa buhay niya, neither her studies.
At sa totoo lang darleng, hindi rin dapat pakikipagrelasyon ang inaatupag mo. At your age, dapat bigyang importansiya ang pag-aaral. Although I admire ang pagiging concern mo sa pag-aaral ng iyong GF.
Maaaring iparamdam mo rin na hindi s’ya ang priority mo, at I’m sure kung busy ka ay hindi mo na rin aalalahanin ang nobyang mahilig mag-ML (online mobile game). At sabihan mo pa rin siya na huwag niyang pababayaan ang kanyang pag-aaral.
Kung ikaw ay magsisipag at magiging determinado sa buhay ay magiging matagumpay ka at makaka-attract ng nobyang ikaw ang magiging priority. Gets mo?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.