2019 Miss World Ph candidates inokray ni Ai Ai: Nagmukha silang mga boldstar

By Alex Brosas September 17,2019
share this

2019 Miss World Ph candidates inokray ni Ai Ai: Nagmukha silang mga boldstar

By Alex Brosas September 17,2019
share this

AI AI DELAS ALAS

NAG-BOOMERANG kay Ai Ai delas Alas ang panglalait niya sa contestants ng Miss World Philippines 2019 dahil halos lahat ng mga ito ay may slit sa kanilang gowns.

“Ms world 2019…CONGRATULATIONS sa MGA NANALO) nanood ako kahapon d ko lang natapos kasi kailangan ko gumising ng maaga may work ako.

“Isa lang ang hindi ako maka move on bakit parang lahat ng GOWN ng contestants may slit either sa kanan or sa kaliwa na mala Catriona Gray (etong pic dba lahat sila labas yung hita nila ) mga 80 % ng gown ganun bakit?

“Iba iba naman ang designer, basta wierd talaga. Yung ibang gown tuloy parang hindi lumabas na maganda kasi d naman swak yung may slit parang ipinipilit lang lagyan — iba kasi yung kay Catriona talagang swak yung dating sa kanya…dito parang nakakalito..” ‘Yan ang aria ni Ai Ai sa Instagram.

Reacting to her follower’s comment, Ai Ai added, “Yun na nga ang nasa isip ko para silang mga boldstar ang dating hindi nakaka elegante.” With that, Ai Ai opened herself to bashing.

“Bothered siya sa slit pero yung outfit-fitan niya sa events hindi siya bothered. LOL.”

“Those will not be fit for you Ai, kasi wala kang dating. Inggit ka lang.”

“Parang yung pag tangga mo noon. Sa edad mong yun. Hindi nakaka elegante.”

“Nakakahiya naman syo mamshie na lagi kita ang legs! and i meant both legs!!! For your age hindi din nakakaelegante!!!!!”

“’Boldstar ang dating hindi nakakaelegante’….why do I feel like ang baba ng tingin ni Ai Ai sa mga boldstar?”

Pero one fan defended the comedienne and said, “I’m with Ai Ai on this. Lahat na lang ngayon, naka slit eversince Cat wore her red gown. Wala na bang konting originally naman?”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending