Young JV ‘labandero’ ang peg kapag nasa ibang bansa

By Jun Nardo September 18,2019
share this

Young JV ‘labandero’ ang peg kapag nasa ibang bansa

By Jun Nardo September 18,2019
share this

YOUNG JV

Simpleng malandi lang daw ang singer-actor na si Young JV.

Natanong kasi ang binata kung malandi ba siya sa kanyang presscon bilang endorser ng FasClean Extra Power Detergent together with Megasoft Hygienic Products boss na si Aileen Choi Go.

“Malandi Ka” kasi ang title ng bagong single niya, siyempre may negatibong connotation ito sa mga tao kaya ipinaliwanag ng binata ang mensahe ng kanta.

Sabi ni Young JV hindi porke tinawag na malandi ang isang tao ay negatibo na ang dating nito. May magandang mensahe rin daw ang bago niyang song and he believes na maraming makaka-relate sa kuwento nito.

Sa totoo lang, kahit ama niya ang ambassador sa Myanmar na si Red Kapunan, sa murang edad habang nasa Iloilo, tinuruan na siya ng magulang na matutong maglaba ng sariling damit kaya kapag nasa ibang bansa, siya mismo ang naglalaba ng kanyang damit.

Kaya nga swak na swak sa kanya ang bagong produkto ng Megasoft na FasClean dahil “labandero” rin ang peg ng singer-actor.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending