‘The Gift’ ni Alden No. 1 sa Twitter Ph; fans ni Maine hindi rin nagpatalbog

By Jun Nardo September 18,2019
share this

‘The Gift’ ni Alden No. 1 sa Twitter Ph; fans ni Maine hindi rin nagpatalbog

By Jun Nardo September 18,2019
share this

ALDEN RICHARDS

NAMAYAGPAG sa Twitter nitong Lunes ang mga post ng solid fans nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Muling pinatunayan ng dalawa na matindi pa rin ang powers nila sa social media.

Magkaiba man ang hashtags na gamit nila ay pareho itong naging top trending topic sa Twitter.

Ang hashtag na gamit ng fans ng Asia’s Multimedia Star ay may kinalaman sa premiere ng bagong Kapuso series na The Gift habang ang hashtag ng fans ni Maine ay para naman sa teaser launch ng movie ng Dubsmash Queen with Carlo Aquino, ang “Isa Pa With Feelings.”

Tagumpay ang fans ni Alden na maging number one sa trending topics sa Twitter PH at number five naman worldwide, habang hindi rin nagpatalbog ang fans ni Meng dahil humataw din ito.

Kahit kanya-kanyang hashtag, patunay lang na suportado talaga ng kani-kanilang fandom ang proyekto ng mga idolo.

Napanood namin ang pilot episode ng The Gift at kahit konti pa lang ang eksena ni Alden, lutang na lutang na agad ang kanyang galing lalo na sa mga light scene niya with Jo Berry, ang gumaganap na nanay-nanayan niya sa serye.

Pero nang mabaril na ang karakter niyang si Sep, nangungusap pa rin ang kanyang mga mata habang nakahandusay at saka pumasok ang flashback scenes na nagsimula sa pagbibinyag sa kanya.

Magagaling ang lumabas niyang magulang sa serye, sina Jean Garcia at TJ Trinidad. Damang-dama ang pagiging ina at ama nila lalo na nu’ng dumating ang sunud-sunod na problema sa kanilang buhay kasama ang pagkakasakit ng batang Alden. Panalo rin ang pag-iyak ni Jean nang mabaril ang asawa niyang si TJ bago ang closing credits ng series, huh!

Samantala, maiksi man ang teaser ng “Isa Pa With Feelings”, ‘yung nakatingin si Maine kay Carlo palabas ng elevator, pinagana rin ng Phenomenal Star ang kanyang mga mata, huh!

Sabi ng fans ni Meng na meron ng 50 block screenings na naka-line up para sa pelikula at halos sold out na rin ang 20 screenings.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending