Ion sidekick ni Vhong sa ‘Mang Kepweng 2’ | Bandera

Ion sidekick ni Vhong sa ‘Mang Kepweng 2’

Reggee Bonoan - September 18, 2019 - 12:15 AM

“CUTE” ang katwiran ni Ion Perez nang pabalikin siya sa shooting ng “Mang Kepweng 2” kahit nakauwi na siya sa kanila sa Tarlac nitong nakaraang Sabado ng gabi.

May shooting ang “Mang Kepweng 2” nitong Linggo at may mga eksena pang kukunan na kasama si Ion kaya pinababalik siya ng Maynila.

Inakala kasi ng production na hindi makukunan ang binata kaya pinayagan na siyang umuwi sa Tarlac para maka-bonding ang pamilya.

Palibhasa’y hindi showbiz si Kuya Escort kaya ang naging katwiran niya nu’ng pinababalik siya ng Maynila, “E, dito na ako sa Tarlac, alangang bumalik pa ako ng Maynila?”

Oo nga naman, ilang oras ding nag-travel si Ion pero sadyang mabait ang baguhang aktor dahil nu’ng pinakiusapan siya ng production staff ay pumayag din siyang bumalik sa shooting.

O di ba, bossing Ervin, cute ng katwiran niya. Sana kapag sumikat ng husto si Ion hindi siya magbago.

Samantala, isa ang binata sa sidekick ni Vhong Navarro sa “Mang Kepweng 2” na mali-mali ang karakter kaya hindi na raw nahirapang umarte ang binata dahil malapit ito sa personalidad niya sa totoong buhay.

Samantala, mukhang hindi na masyadong hina-highlight sa Showtime ang harutan at landian nina Ion at Vice Ganda. Napansin kasi namin na hindi na gaanong pinag-uusapan ng netizens ang kanilang rumored affair.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending