Plastikadang female star bait-baitan sa harap ng camera pero terror na amo | Bandera

Plastikadang female star bait-baitan sa harap ng camera pero terror na amo

Cristy Fermin |September 15,2019
facebook
share this

Plastikadang female star bait-baitan sa harap ng camera pero terror na amo

Cristy Fermin - September 15, 2019 - 01:06 AM
KADALASAN ay sa mga dating piloto at alalay ng mga artista nagmumula ang mga kuwentong hindi kagandahan tungkol sa dati nilang pinagseserbisyuhan. Lalo na kung hindi maganda ang kanilang paghihiwalay, asahan nang lulutang ang mga negang istorya tungkol sa personalidad, kakalat ‘yun na parang apoy at walang kalaban-laban ang artista. May kuwento ang isang source tungkol sa isang female personality na puwede raw magpautang ng kaplastikan sa ibang artista dahil mayamang-mayaman siya sa pagiging plastik. Kuwento ng impormante, “Kung kaplastikan ang magiging topic, sabi ng mga dati niyang alalay, e, wala nang makakakabog pa sa kanya! Super-plastic kuno ang girl! “Kapag nasa maraming tao siya, e, para bang ang bait-bait niya, parang okey lang sa kanya ang lahat, pero kapag sumakay na siya sa kanyang van ay kung anu-ano na ang mga pinagsasasabi niya! “Ang una niyang hinihingi sa kanyang alalay kapag sarado na ang pintuan ng van, e, alcohol. Ang sumunod, lotion. Palaging ganu’n. “Kasi nga, e, kailangang mag-alcohol ang girl pagkatapos niyang kumamay sa mga nakasalamuha niya. Hindi ‘yun matatapos sa alcohol lang, kailangan din niya ng lotion para sa kanyang kutis. “Maselan ang girl! Palagi niyang napapagalitan ang driver niya, lalo na kapag may kakaibang amoy sa sasakyan. Bawal matulog ang dribam niya sa van, kumakapit daw kasi ang amoy ng katawan niya sa van! “Kaya ang driver niya kapag may work ang boss niya, e, nakikisabay na lang sa sasakyan ng ibang mga drivers ng artista na mababait. Pinapayagan silang matulog sa car kahit nga naka-aircon pa sila! “Kaya kapag nagpapa-interview ang female personality na ang bait-bait ng dating, ang mga dating nag-work sa kanya, e, sabay-sabay na umiirap, plastic daw ang dati nilang boss!” tawa nang tawang kuwento ng aming source. Lumaki kasing yayamanin ang female personality, sa anggulong ‘yun ay carry niya naman ang pagmamaldita, pero kilalang artista na siya ngayon. Kuwento uli ng aming impormante, “Kapag nagkukuwento raw ang girl sa mga sisters niya, e, palagi niyang sinasabi na minsan, gusto na niyang mag-collapse dahil sa iba-ibang amoy ng mga taong lumalapit sa kanya para magpa-picture. “Pero kapag nasa gitna naman siya ng action, e, ang nice-nice niya, parang ayaw na niyang tapusin ang pagpo-pose na katabi ang mga fans! Plastic nga naman siya!” pagtatapos ng aming impormante. Naku naman, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kailangan pa bang i-memorize kung sino ang plastikadang aktres na ito?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending