P166M jackpot ng Ultra Lotto hindi tinamaan

By Leifbilly Begas September 14,2019
share this

P166M jackpot ng Ultra Lotto hindi tinamaan

By Leifbilly Begas September 14,2019
share this

WALANG tumama sa P166.5 milyong jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 sa bola noong Biyernes.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office walang tumama sa winning number combination na 44-49-42-18-20-04.

Posibleng umabot sa P170 milyon ang jackpot prize sa bola ng Ultra Lotto sa Linggo.

Nanalo naman ng tig-P280,000 ang apat na mananaya na nakakuha ng limang numero. Tig-P2,200 naman ang 533 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P24 taya ng 13,231 mananaya na nakatatlong numero.

Ang premyo na mahigit P10,000 ay pinapatawan ng 20 porsyentong buwis.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending