Napoles lalaya sa GCTA?

By Leifbilly Begas September 12,2019
share this

Napoles lalaya sa GCTA?

By Leifbilly Begas September 12,2019
share this

IKINAGULAT ng mga kongresista ang pagkakasama ni Janet Lim Napoles sa listahan ng mga maaaring makalaya sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance.

Ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, nakakapagtaka na nakasama si Napoles sa listahan ng ikinokonsidera sa GCTA noong si Sen. Bato dela Rosa pa ang hepe ng Bureau of Corrections.

“It seems that there is really a mafia inside Bucor and every stone must be turned to make these people accountable,” ani Zarate. “Mukhang ginawang kumikitang kabuhayan ng mga opisyal ng Bucor ang ‘GCTA scam’ at kailangang magkaroon ng lifestyle check ang mga opisyales ng Bucor mula 2014.”

Nagtataka rin si Bayan Muna chairman Neri Colmenares kung bakit rape ang kaso na nakalagay kay Napoles, na convicted sa kasong plunder kaugnay sa pork barrel fund scam.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending