Warning kina Liza at Nadine: Sasabuyan ng muriatic acid pag dumating sa ABS-CBN Ball
One basher threatened to pour muriatic acid on Liza Soberano and Nadine Lustre.
“I’ll make sure to pour muriatic acid to these girls faces if they showed up at ABS CBN ball so be ready Soberano and Lustre. MARK MY WORDS,” said the basher who used Kathryn Bernardo’s photo.
Nakarating na kay Ogie Diaz, manager ni Liza, ang pagbabanta.
“Salamat sa concern. Nakarating na rin po sa amin. Meron pong security as always,” say ni Ogie.
Sa comments, na-bash nang husto ang nagbanta kina Liza at Nadine. Marami naman ang naniniwalang hindi si Kathryn ang nagbabanta at ginamit lang ang photo nito.
“Hope mag ingat Nadine and Liza. May mga KathNiel fans na very aggressive dami kasi mga bata pa, di nila alam na pwede sila makulong kahit verbal threat lang. nag deactive na sya, na realize nya she is in trouble.”
“Nakakahiya ang mga taong ganto. Mamamatay tong mga to dahil sa inggit. Hahaha! Keep safe Liza and Nadine. Will see them at the ball. #Jadine #Lizquen.”
“Grabe naman po. Lahat tayo maganda. Pantay pantay tayo na nilikha kaya dapat alisin ang inggit para di makagawa ng mali sa kapwa.”
“Paki educate na lang din ang nag threat na ang muriatic acid di nakakalapnos ng balat. Hahaha. Too much Pinoy movie kase.”
“Masyadong possessive naman tong mga fans na to. Wala naman problema ung mga artista. Yung mga fans lang na pabida. JUSKO.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.