Female celeb nawawalan ng raket dahil sa epal na nanay | Bandera

Female celeb nawawalan ng raket dahil sa epal na nanay

Cristy Fermin |September 13,2019
facebook
share this

Female celeb nawawalan ng raket dahil sa epal na nanay

Cristy Fermin - September 13, 2019 - 12:15 AM

PINAGPISTAHAN sa isang malaking umpukan ang ina ng isang female personality na masyadong reklamadora. OA palagi ang reaksiyon ni mudra kapag nalalaman niyang nauungusan ang kanyang anak ng mga kasamahan nito.

Kilalang-kilala na ng buong produksiyon ang ugali ng ina ng female personality, bahagyang kibot lang ay agad nang nakareklamo, kaya hindi pa man ay nakahanda na agad ang isasagot ng buong staff.

Kuwento ng aming source, “Kung meron mang stage mother na tunay na reklamadora, ‘yun, e, ang mommy ng girl! Sobrang reklamadora ang mommy niya!

“Kahit nu’ng hindi pa naman kilala talaga ang anak niya, e, palaging tumatawag ‘yun sa production, tanong nang tanong, bakit daw iilang eksena lang ng anak niya ang napanood niya?

“Natural, ang dahilang ibinibigay niya, e, hirap na hirap daw ang anak niya sa pagpunta sa taping, tapos, ganu’n lang naman pala ang magiging participation niya sa show?

“Palaging sinasabi sa kanya ng production staff na talagang ganu’n, may kani-kanyang moment ang mga characters, kaya siguradong magkakaroon din ng moment ang anak niya. Pakialaman ba pati ang script ng show?” nakataas ang kilay na unang sultada ng aming impormante.

Nu’ng gumawa ng pelikula ang kanyang anak ay mas malaki ang mukha ng kasamahan nitong female personality sa poster. Problema na naman ‘yun para kay mommy!

Balik-chika ng aming source, “Pati ba naman poster, e, pakikialaman pa rin? Bakit, di ba? Ang anak ba niya ang bumibida sa pelikula, e, palagi lang namang kaibigan ng bida ang role ng anak niya?

“Naku, ha? ‘Yun ang reason kung bakit hindi nai-casting ang anak niya sa isang bagong serye. Puwede sana du’n ang anak niyang galawgaw, pero hindi na lang, sabi ng production staff, dahil baka umeksena na naman si mudra!

“Tantanan na kasi ang pagiging reklamadora! Ang bantayan niya, e, ang anak niyang palaging nakasimangot! ‘Yung anak niyang masyadong feeling!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“‘Yung anak na lang niyang intrimitida ang pakialaman niya, huwag ang production na mas alam ang dapat nilang gawin kesa sa kanya! Patabain na lang niya ang anak niyang mukhang tikling!” naiinis na pagtatapos ng aming source.

Naku naman, kailangan pa bang i-memorize kung sino ang mag-inang ‘yan, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending