Vice Ganda nakipagtalakan sa batang gumagaya kay Awra

By Alex Brosas September 12,2019
share this

Vice Ganda nakipagtalakan sa batang gumagaya kay Awra

By Alex Brosas September 12,2019
share this


NAKAKATUWA ang guesting ng viral boy na si Collinn Cruz sa Gandang Gabi, Vice.

Si Collinn ay nag-viral dahil sa kanyang video kung saan ginaya niya ang palitan ng dayalog nina Vice Ganda at Awra Briguela sa MMFF movie nitong “Super Parental Guidance.” Ang haba ng mga dayalog pero kinaya niya ito sa show.

Halatang na-starstruck si Collinn kay Vice dahil hindi ito halos makapagsalita sa harap ng TV host-comedian.

He will turn 10 sa Sept. 22 na ikinagulat ni Maris Racal na guest rin sa nasabing episode dahil iyon rin ang birthday niya.

In the show ay ginaya nina Collinn at Vice ang eskena nila ni Awra. Aliw na aliw ang audience sa galing ni Colinn.

Fan na fan pala ni Vice ang bagets as he revealed na pinanood niya ang ilang movie nito like “Girl, Boy, Bakla, Tomboy,” “Praybeyt Benjamin,” “This Guy’s In Love With You Pare” and “Sisterakas.”

Sa huli ay binigyan ng books ni Vice ang bagets.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending