Ex-Hashtag Jon Lucas lumipat sa GMA para sa pamilya, anak

By Ervin Santiago September 11,2019
share this

Ex-Hashtag Jon Lucas lumipat sa GMA para sa pamilya, anak

By Ervin Santiago September 11,2019
share this

JON LUCAS

MAS lalo ngayong nagsisipag ang dating Hashtag member na si Jon Lucas dahil mas marami na siyang kailangang buhayin ngayon.

Kapuso na si Jon at aminado siya na lumipat siya ng GMA 7 mula sa ABS-CBN para na rin sa kanyang pamilya. Pumirma siya ng kontrata sa Kapuso Network nitong Hunyo lang at nagpapasalamat siya dahil nabigyan agad siya ng mga project.

Isa siya sa mga co-stars ni Dingdong Dantes sa upcoming Filipino adaptation ng Koreanovela hit series na Descendants of the Sun.

“Masayang masaya po ako, kakalipat lang po natin, kaka-sign lang po natin sa GMA, binigyan po nila ako agad ng maganda at napakalaking proyekto. Wala pong mapaglagyan ang kaligayahan ko.

“Feel na feel ko talaga yung warm welcome ng mga Kapuso po natin, from management, co-actors, production. Okay po sila sa akin,” kuwento ng aktor.

Bakit nagdesisyon siyang lumipat? “Inisip ko na rin po, mas marami akong kailangang buhayin ngayon. Kailangan ko rin pong patunayan na meron pa rin po sigurong magagawa as an actor. Tsaka siyempre po, yung baby namin.”

Proud na inamin ng bagong Kapuso kamakailan na isa na siyang ama at kasal na sa It’s Showtime dancer na si Shy Feras.

”Nu’ng matatapos na po yung contract ko with Star Magic, nag-iisip-isip na po ako noon baka mag-try naman ako ng bagong home, bagong tahanan, may bagong goal,” paliwanag niya.

Pero dinenay ng aktor na may issue siya sa mga Hashtags members, sa katunayan binati pa siya ng mga ito nu’ng ibalita niya na Kapuso na siya, “Okay naman na yung friendship namin, yung relationship namin. Marami rin kaming pinagsamahan.”

“Feeling ko, kahit sila masayang-masaya po sila para sa akin. Nu’ng nag-post po ako na ako’y Kapuso na, ang pinakanaunang nag-comment, karamihan po sila. Halos top comments. Lahat sila masaya,” chika pa ni Jon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending