Vina malas sa lovelife: Bokya, zero! Magulo at mahirap ang ‘LDR’
SA 30 years ni Vina Morales sa showbiz ay todo ang pasasalamat niya na hanggang ngayon ay may magagandang project pa rin na naibibigay sa kanya.
Tulad na lang ng pelikulang “Damaso” na planong ipasok bilang finish film sa 2019 Metro Manila Film Festival at ang teleseryeng Sandugo mula sa Dreamscape Entertainment.
Ayon sa singer-actress, “Excited ako sa karakter ko sa Sandugo kasi kakaiba sa past (serye), kasi Bisaya ako kaya matutuwa ang mga kababayan kong Bisaya tapos magpapatawa ako kasi gustung-gusto kong laging nage-English na mali-mali siyempre gusto kong magpakasosyal bilang si Cordelia Balthazar.”
Ang karakter ni Vina na Cordelia Balthazar ay dapat kay Aiko Melendez pero hindi tinanggap ng huli dahil tumulong siya sa kampanya ng boyfriend niyang si Zambales Vice Governor Jay Khonghun.
“Yes ito ‘yun. Kaya nga when it was given to me I called up Aiko, sabi ko, ‘Aiks, what do you think?’ Tapos sabi niya okay daw, tanggapin ko. Tapos sabi ko pa, ‘Aiks, anak natin doon si Aljur (Abrenica)?’
“Sabi niya (Aiko), ‘okay lang ‘yun sis kasi adopted mo lang naman siya.’ Sabi ko okay, kasi parang hindi ko yata keri na maging totoong anak si Aljur, tapos sabi ni Aiko, ‘ako rin naman.’ Ha-hahaha!’
“Sabi nga, ‘sis tanggapin mo, it’s a good role.’ And then nu’ng nag-confirm na nga ako, tinanong ko si direk Erik (Salud) kung kailan ang shoot, sabi niya, ‘bukas na.’ Sabi ko ‘Direk bukas na?’ Bigla akong na-stress. Pero it turned out well naman. Nagustuhan naman nila ‘yung mga eksenang nagawa ko,” masayang kuwento ni Vina.
Maganda ang takbo ng karera ngayon ni Vina, mapa-acting at singing, pero bagsak naman sa buhay pag-ibig at aminado siya rito.
“Pagdating sa lovelife bokya! Zero. Ha-hahaha! Wala na naman. Parang hindi nagle-level up. Walang pagbabago. I also asked myself why? Lagi ko na lang sinasabi sa sarili ko na in God’s time.
“Kasi kung ipilit ko, baka mali pa ‘yung mapunta sa akin ulit! Ulit pala. Ha-hahaha! Kasi ginawa ko na ‘yun noon (long distance relationship), hindi naman ukol so, hindi kami nagkakatuluyan, hindi nagwo-work out at magulo pa, maraming trials na nangyayari,” aniya pa.
Tinanong namin ang tungkol sa litratong ipinost niya sa kanyang Instagram account noong nasa Amerika siya na may kasamang guwapong lalaki na nakilala niya sa pamamagitang ng isang kaibigan.
Hindi sinagot ni Vina kung nanliligaw sa kanya ang Fil-Am guy, “Mahirap ‘yun kasi hindi nagwo-work ang LDR (long distance relationship) kasi sa akin I have a daughter, I have work here, I have businesses here parang malaking sakripisyo ang gagawin ko kapag lumipat ako sa ibang bansa. So, I guess LDR does’t work for me. I’ll just have to wait from someone from here (Pilipinas).”
At isa nga sa dahilan kaya hindi makaalis ng Pilipinas si Vina ay dahil sa negosyo nilang magkakapatid na Ystilo Salon.
“Yes, 21 years na kami and counting and as of now we have 24 branches of Ystilo and there’s more branches opening in Fairview Terraces, Marikina at La Union very soon kakapirma lang namin ng contract with franchisee.
“Ito namang Festival Mall Alabang (bagong puwesto) matagal na ‘to, 11 years na kami rito at nag-change ng location kasi I think the mall, nagre-renovate sila so they want to give new look sa old branches nila.
“Kaya nagpapasalamat ako sa Ystilo Team hindi nila pinababayaan ang kanilang sariling trabaho,” paliwanag ng aktres.
Going back to lovelife, nabanggit naming napag-iiwanan na siya ng mga kasabayan niya dahil halos lahat ay may partners na.
“Oo nga, si Donita (Rose), naikasal na pero wala na, oo nga paano naman ako? Si Sunshine (Cruz) ganu’n din, Si Ruffa (Gutierrez) din. Si Karla (Estrada) happy din.
“I think it’s just me Donita (single) I don’t know with Ruffa. Inamin na ba na? I think she’s doing well, we have to go on with our lives, nandiyan naman ang mga anak namin,” saad pa ng aktres.
At dahil nauuso ang May-December movie ay okay ba kay Vina ang ganitong project at sino ang type niyang leading man? “Wow! As of now wala akong maisip for me saka kaya ko ba ‘yun?”
Paano kung si Kiko Estrada ang makapareha niya? “Si Kiko?” gulat na sagot ni Vina. Hirit namin baka hindi puwede dahil ex-boyfriend ni Vina si Gary Estrada na tatay ni Kiko.
“Ano ba ‘yun, parang Glorious? Let’s see pag-iisipan ko talaga ha kasi kapag ganyan more on bed scenes? So, pag-iisipan ko talaga ng ilang beses kung kaya ko, siguro kaya ko pero. Hindi ko alam kung kaya ko ang love scenes kasi ibang level na for me. Let’s see if that happens,” nakangiting pahayag ng aktres.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.