Beteranang aktres balik sa kulungan dahil sa bisyo

By Cristy Fermin September 10,2019
share this

Beteranang aktres balik sa kulungan dahil sa bisyo

By Cristy Fermin September 10,2019
share this

WALA talagang kadala-dala! ‘Yun lang ang nag-iisang komento ng mga taga-showbiz tungkol sa isang nagkakaedad nang female personality na hindi pa rin lumalayo sa kanyang bisyo.

Ilang ulit na siyang nahuli at nakulong, panay-panay ang pangako niyang magbabago na siya, pero nagbabago lang pala siya ng pagkukunan.

Kuwento ng aming source, “Talagang talamak na ang babaeng ‘yun! Imagine, sa dami na ng pinagdaanan niyang kahihiyan, e, ayan pa rin siya, nagbibisyo pa rin siya!

“Remember, nakulong siya nu’n dahil sa pangloloko niya sa isang friend niya tungkol sa mga alahas, di ba? Dahil din sa pagbibisyo niya ‘yun!

“Nakakahiya siya, wala siyang kahihiyan, ang dami-daming tumutulong sa kanya, pero hindi niya naman ‘yun pinahahalagahan!” umpisang kuwento ng aming impormante.

Pinatira pa ng isang female personality sa kanyang unit ang nagkakaedad nang aktres na ito. Akala ng nagpahiram ng lugar ay siya lang at ang kanyang anak ang nakatira du’n.

“Nakakaloka! Ginagawa pala niyang lugar ng mga nagbibisyo ang unit! Du’n sila nagkikita-kita, binababoy niya ang luhar, wala talaga siyang kahihiyan!

“Madalas din siyang nakikitang nakatambay sa isang lugar na nagkalat ang mga nagdodroga, mula umaga hanggang gabi, e, nandu’n siya!

“Nakakahiya ang mga pinaggagagawa niya, ni hindi man lang niya binibigyan ng kahihiyan ang pamilyang pinagmulan niya!

“Sino pa ang tutulong sa kanya ngayong nakakulong na naman siya? Tulungan kaya siya ng uncle niya na may mga kaibigang pulitiko na puwedeng umarbor sa kanya sa pagkakulong?

“Naku, ‘yun pang taong ‘yun? Wala siyang maaasahang tulong mula sa kapamilya niya, hindi siya tutulungan nu’n, dahil kahihiyan sa family nila ang mga pinaggagagawa ng babaeng ‘yan!

“Sinisiraan pa niya ang anak ng dating karelasyon niya, ang lakas-lakas daw kumita, pero ni hindi man lang siya tinutulungan! Paano siyang tutulungan nu’n, e, puro bisyo lang naman ang inaatupag niya?

“Hindi na sisikat sa kanya ang sun kapag palagi siyang ganyan na lulong sa bisyo, sa totoo lang!” pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, mauupo kaya kayo ngayon sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending