Ronaldo Valdez paborito ng ABS-CBN; mas maswerte kay Janno Gibbs

By Ronnie Carrasco III September 09,2019
share this

Ronaldo Valdez paborito ng ABS-CBN; mas maswerte kay Janno Gibbs

By Ronnie Carrasco III September 09,2019
share this
THE sins of the son are not necessarily the sins of the father.
Nakakalungkot isipin na ang sinilungang bubong ni Janno Gibbs wasn’t a paradise he hoped it was.
Ilang taon ding bahagi ng Kapuso Network ang isa sa mga paborito naming mang-aawit, he can hold a candle to the country’s most revered male performers.
Back in GMA nga lang, marami kaming mga ‘di kagandahang kuwentong naririnig tungkol sa kanya, tales which could threaten one’s career. Chronic tardiness ang madalas ireklamo laban kay Janno na wari’y mas gugustuhing
manirahan na lang sa dreamland when everybody out there was up on their toes.
For a time, mataas ang tolerance level ng production staff sa kanya. Janno Gibbs, after all, is Janno Gibbs.
Pero umabot ‘yon sa tipping point where the network had to put its foot down. Hindi na nito binigyan pa ng programa si Janno where he could have showcased the talent that has endeared him to his audience, this writer included.
He was no exception sa sanrekwang artists who have jumped ship, thinking that the vessel they have jumped into would have a smooth sailing despite rough waters ahead.
GMA’s loss was ABS-CBN’s gain. Nawala ang isa pa mandin sa mga singing gems sa GMA only to reestablish his career sa ibang kanlungan.
But just when everybody thought Janno’s stay with the Kapamilya Network would be for good, sa kung anong dahilan ay inetsa-puwera siya sa Christmas ID nito short of saying straight to his face that he wasn’t family.
As any artist would feel, sumama ang loob ni Janno sa istasyon even if he knew he’s essentially a Viva artist. Kasabay nito’y naglabas siya ng kanyang hinanakit which we believed was understandable enough.
Hindi agad naramdaman ang impact o epekto ng social media post ni Janno until it was time to jointly promote his latest movie kung saan parang dinala tayo sa comedy of the 90s na may pamagat na parang hindi gaanong pinuhunanan ng intelihenteng pag-iisip.
Janno’s supposed TV promo exposures sa ilang programa sa ABS-CBN were stricken out samantalang pinahintulutang mag-promote ang dalawa niyang kasama sa pelikula.
In short, the ban on Janno just took effect, his socmed hanash taking a toll on him only this time around after a yawning gap.
Kung masakit man ang sinapit ni Janno sa itinuturing na niyang tahanan, this cannot be said of the many blessings
na tinatamasa ng kanyang amang si Ronaldo Valdez who appears to be the station’s favorite lead actor who stars in one teleserye after another.
This is a telling difference sa pagitan ng mag-ama na kapwa mahusay sa kanilang larangan. At matanda na si Janno para pagsabihan ng kanyang ama to shape up as he should for his career’s sake.
Sayang si Janno, but in a way we could not fault him for his self-expression. Umiral lang sa kanya ang dapat sana’y parehas na treatment sa lahat ng mga Kapamilya artists: young, old and every age in between.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending