Wacky Kiray napasubo, naghubad ng pantalon sa 'ICSYV'  | Bandera

Wacky Kiray napasubo, naghubad ng pantalon sa ‘ICSYV’ 

|September 09,2019
facebook
share this

Wacky Kiray napasubo, naghubad ng pantalon sa ‘ICSYV’ 

- September 09, 2019 - 12:39 AM
NAPILITANG maghubad ng pantalon ang komedyanteng si Wacky Kiray sa episode ng I Can See Your Voice nitong Sabado. Napasubo ang Kapamilya comedian nang ipagsigawan niya na huhubarin niya ang kanyang pants at magbi-briefs lang siya kung seen-tunado ang contestant na napili ng celebrity guests. Talagang ipinagpilitan niya na singer ang tinanggal ng Idol Philippines Top 3 na sina Lance, Lucas at Zephanie pero nang pumagitna na nga ito sa stage – yes, siya ay certified seen-tunado! Kaya walang nagawa si Wacky kundi ang maghubad kaya naman tilian at palakpakan ang audience. Napapanood ang I Can See Your Voice tuwing Sabado after Maalaala Mo Kaya hosted by Luis Manzano.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending