Wacky Kiray super tipid ngayong may pandemya; napiling host ng 'Kalderoke' | Bandera

Wacky Kiray super tipid ngayong may pandemya; napiling host ng ‘Kalderoke’

Ervin Santiago - November 11, 2020 - 01:12 PM

ISA si Wacky Kiray sa mga stand-up comedian na masasabing super blessed ngayong panahon ng pandemya.

Sa kabila kasi ng nangyayaring krisis sa bansa, partikular na sa entertainment industry, tuloy pa rin ang kanyang pagtatrabaho bilang host at komedyante.

In fairness, sa bagong project niya ngayon siya na ang pinaka-main host, ang bagong cooking at singing show na “Phoenix SUPER LPG’s Kalderoke: The Singing and Cooking Showdown.” Makakasama niya rito bilang co-host ang biriterang si Sheryn Regis.

“Actually ang sarap ng feeling eh, kasi dati lang akong jester sa ABS-CBN. Kumbaga pag may commercial, ako ang nagje-jester at nagpapatawa tapos ang laking oportunidad ang binigay sa akin dito ng ABS-CBN Foundation at Phoenix Super LPG Kalderoke na mag-host dito sa Kalderoke.

“Sobrang ang laking oportunidad. Sobrang magandang blessings na binigay nila sa akin,” pahayag ni Wacky sa “Kalderoke” virtual presscon kahapon.

Aminado naman ang Kapamilya comedian na big challenge sa kanila ni Sheryn ang mag-host ng isang show under new normal dahil nasanay nga sila sa large audience.

“Kasi everyday ang trabaho natatandaan ko pa, magte-taping ako sa ABS-CBN tapos pagkatapos ko mag-taping didiretso ako ng comedy bar, ang laking pagbabago.

“Ibang-iba, nasanay kasi kami na pag nagpapatawa kami, maraming maraming tumatawa at may interaction.

“Pero ngayon kami kami na lang mismo. Eh, ilan lang kami rito lima lang kami or pito. Nagtatawanan lang kami sa sarili namin, ganu’n. Kaya ang hirap,” sey pa ng komedyante.

Sa tanong kung may isang quarantine life lesson ang nais niyang ibahagi sa madlang pipol, “Natutunan ko yung sobrang magtipid. Sobra ako magtipid ngayon, eh. Di ba dati gastos tayo nang gastos?

“Ngayon, sobra na akong magtipid. Kung ano na lang yung nandu’n sa bahay, yun na lang ang kinakain ko. At saka naikot ko din yung iba’t ibang luto ng sardinas.

“Yung mga ayudang ibinibigay kasi di ba, maglalagay ka ng monoblock sa labas? Kinukuha ko yung mga ayuda and naikot ko yung sardinas,” natatawang chika pa ng komedyante.

Samantala, excited na nang bonggang-bongga sina Wacky at Sheryn sa “Phoenix SUPER LPG’s Kalderoke: The Singing and Cooking Showdown” na magsisimula na sa Nov. 14, 8:30 a.m., sa Kapamilya Channel.

Maglalaban-laban dito ang 16 na contestants: sina Jose Ronaldo Agustin, Anna Nicole Robles Herrera, Francis Anne Virtudazo, Redemptor Nuestro from NCR; Marco Diolata, Christian Alvear, William Verastigue II, Roland John Torres from Luzon; Nazer Salcedo, Shenna Mae Baybado, Jessica Evangelio, Lalaine Enriquez from Visayas; Jhana Marie Aranda, Noreen Rose Galendez, Menchu Munez, at Rodelio Quesim, Jr. mula sa Mindanao.

The top 16 cooks will then be trimmed down to two finalists in the program and will compete in the grand finals for the P100,000 prize.

Ang magsisilbi namang judges dito ay sina chef Rolando “Chef Lau” Laudico, Tuesday Vargas, composer and songwriter Jonathan Manalo at ang Phoenix SUPER LPG’s Category Marketing Manager na si Marc Salboro.

“It’s a feel-good and one-of-a-kind show. We all know that Pinoys are great singers and we love to eat. Combining these two is a perfect recipe for a great show. Viewers will also learn new recipes and become conscious of their food’s nutritional values — all while being entertained.

“Our goal is for Kalderoke to become everyone’s Saturday morning habit because, as the tagline goes, Kay sarap pala magluto,” sabi ni Paul Vincent Mercado, Marketing Head ng ABS-CBN Foundation.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

For more information, on Kalderoke: The Singing and Cooking Showdown, visit www.pnxsuperlpgkalderoke.ph.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending