Tito Sen may hugot sa FB, resbak nga ba kay Vice Ganda? | Bandera

Tito Sen may hugot sa FB, resbak nga ba kay Vice Ganda?

Ervin Santiago |September 08,2019
facebook
share this

Tito Sen may hugot sa FB, resbak nga ba kay Vice Ganda?

Ervin Santiago - September 08, 2019 - 05:53 PM

VICE GANDA AT TITO SOTTO

PARA nga kaya kay Vice Ganda ang cryptic message ni Sen. Tito Sotto na kanyang ipinost sa Facebook?

Usap-usapan ngayon sa social media ang FB status ng senador na pinaniniwalaan ng mga netizens na patungkol sa pambabatikos sa kanya ng TV host-comedian dahil sa pagkontra niya sa Sexual Orientation and Gender Identity or Expression (SOGIE) Equality bill.

“When people resort to personal attacks, it means they have lost the debate! (lol)!” ang hugot ni Tito Sen.

Hindi man diretsahang pinangalanan ng senador ang taong pinariringgan niya sa kanyang mensahe, ang hula ng mga netizens ay para ito kay Vice na nag-post ng kanyang aria laban sa posisyon ni Tito Sen sa SOGIE bill.

Ilang netizens din ang nag-post ng screenshot ng FB post ng senador kasabay ng kanilang mga komento na ito na ang sagot ng actor-politician kay Vice.

Hindi nagustuhan ng Unkabogable Star ang sinabi ni Tito Sen na, “Women cannot be compared to a group like that because—I hate to say this but I have to—if you are a man, you will never be a woman, no matter what you do, because you cannot reproduce.
“You cannot give birth, you do not have ovaries. You will never be a woman.

“So this, to me, the SOGIE bill is a bill against women’s rights.”

Ito naman ang naging

“Joke po ba ito Hon. Senate President Tito Sotto???

“Sinasabi nyo po ba na naniniwala kayo na ang pagiging BABAE ay nasusukat lamang sa pagkakaroon ng obaryo o matris at sa kakayahan lang na mabuntis o magka-anak?

“E paano po yung mga nagkaroon ng matinding karamdaman at tinanggalan ng obaryo? Di na po ba sila BABAE? Wala na ba silang karapatang tawaging BABAE?

“O bumaba na ba ang uri ng kanilang PAGKABABAE? Paano din po yung mga baog at walang kakayahang magka-anak?

“Ano po sila? Di na din sila BABAE? Mga wala na ba silang kwentang mga BABAE? At paano naman po yung mga BABAENG choice nila na wag mag-anak dahil ayaw nila dahil sa kanilang mga personal na rason? Di na din ba sila matatawag na BABAE?

“Paano din po yung mga BABAE na may obaryo pero pinayuhang wag magbuntis dahil sa medikal na kondisyon at maaring mameligro ang kanilang buhay? Di na din sila BABAE? Ano na po sila?

“Paano din po yung mga BABAENG may obaryo pero wala pang anak dahil ayaw naman nilang magpatira kung kani kanino? Ano na sila? Parang ang baba naman po pala ng tingin nyo sa mga BABAE.

“Naniniwala po ako na ang mga BABAE ay BABAE di dahil sa obaryo at sa kakayahang bumukaka at umire. Sila ay BABAE dahil sila ay BABAE.

“At MAY HALAGA sila may matris man o wala, magbuntis man o hindi,may anak man o wala dahil sila ay ay TAO at sila ay BABAE.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sinubukan ninyong maliitin ang konsepto ng pagiging TRANSGENDER sa paraang tinapakan nyo rin ang dignidad ng mga tinatawag nyong TOTOONG BABAE. Paumanhin po HON. SENATE PRESIDENT Sotto. Pero i believe this statement is just not fair.

“There are people who pretend to be FEMINISTS to hide their being MISOGYNISTS.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending