Maymay: Hindi ko nakakalimutan kung saan ako nanggaling | Bandera

Maymay: Hindi ko nakakalimutan kung saan ako nanggaling

Alex Brosas |September 08,2019
facebook
share this

Maymay: Hindi ko nakakalimutan kung saan ako nanggaling

Alex Brosas - September 08, 2019 - 01:25 AM

MAYMAY ENTRATA,

Si Maymay Entrata ang host ng Puno ng Buhay segment sa Knowledge Channel.

Sa recent presscon, she shared kung ano ang mga natutunan niya sa buhay, “Natutunan ko po talaga ito sa lolo ko na hangga’t maaari, huwag ninyong kakalimutan na ang tunay na kayamanan na hindi nabibili ng kahit na ano ay ‘yung pagpapahalaga n’yo sa sarili ninyo, sa kalikasan, pagkakaisa at pagtulong mo sa kapwa. Isa rin ito sa natutunan ko kay Miss Gina Lopez noong nandoon ako sa G Diaries.”

She’s thankful for the show dahil ang dami niyang learnings mula rito, “Nagpapasalamat din ako kasi parang hindi ko nakalimutan kung saan ako nanggaling. Parang kahit nandito na ako sa showbiz, minsan nakakalimutan ko na kung saan ako lulugar.

“Pero dahil sa Knowledge Channel, bumabalik kung sino ako dati, ‘yung simpleng buhay lang. Masaya na ako kahit kamote lang ang pagkain. Tapos nandoon kami sa Bukidnon. Ang saya pala na ikaw ang nakakapagpasaya.

“Dati po sa school naming ay may pumuntang artista. Tapos parang mas nakikinig pa kami sa artista kaysa doon sa principal. Ang saya lang sa pakiramdam ng pagtanggap nila sa amin hindi lang ‘yung nandoon kami ni kuya Khalil Ramos kungdi ‘yung bagong matutunan nila sa Knowledge Channel at pagpapahalaga sa kalikasan.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending