Curfew sa matatanda mas epektibo laban sa krimen
HINDI umano ang mga menor de edad ang dapat na may curfew kundi ang mga matatanda para mabawasan ang krimen.
Ayon kay Albay Rep. Joey Salceda hindi epektibo ang juvenile curfew sa pagbawas ng krimen sa kalsada.
“The average effect on juvenile crime during curfew hours was slightly positive — that is a slight increase in crime — and close to zero for crime during all hours.”
Batay umano sa mga pag-aaral ang mga matatanda na gumagawa ng krimen ay mas marami kumpara sa mga juvenile.
Sinabi ni Salceda na sa Pilipinas may mga kabataan na kailangang magtrabaho upang makakain ang kanilang pamilya at ang curfew ay pumipigil sa kanila na kumita sa gabi at mag-aral sa araw.
Sa Maynila pa lang ay 2.5 milyong bata ang below poverty line at 75,000 dito ang walang tirahan o naglayas sa kanilang mga bahay o inabandona ng magulang.
“This measure will discriminate these children as they scavenge for food and work meager jobs, even during the late hours of the night, just to survive.”
Kapag lumaki na ang mga kabataang ito ay makikita umano sa kanilang rekord ang nagawa nilang pagkakamali noong sila ay bata pa kaya mahihirapan silang humanap ng trabaho.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.