UMAKYAT na sa Severe Tropical Storm Category ang bagyong Liwayway habang papalabas ito ng Philippine Area of Responsibility.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration palalakasin ng bagyo ang Hanging Habagat na magpapaulan sa Luzon at Visayas.
Ngayong araw, umaabot sa 95 kilometro bawat oras ang bilis ng hangin nito at pagbugsong hanggang 115 kilometro bawat oras.
Umuusad ito sa bilis na 10 kilometro bawat oras patungong hilaga-hilagang kanluran.
Maliit pa rin ang tyansa na mag-landfall ang bagyo na direktang nakakaapekto sa extreme north ng bansa.
Sa Miyerkules ng gabi o Huwebes ng umaga inaasahang lalabas ng PAR ang bagyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.