Natalong TNT finalist nag-sorry sa pang-ookray kay Louie Ocampo; Vice may payo sa contestants
WALANG nagawa ang isang finalist ng “Tawag ng Tanghalan” sa It’s Showtime kundi ang mag-sorry sa ginawa niyang pang-ookray sa veteran composer na si Louie Ocampo.
Na-bash nang bonggang-bongga si Shantal Cuizon dahil sa offensive tweet niya laban kay Louie Ocampo na siyang tumayong Punong Hurado sa TNT nang mag-perform siya last Friday.
Hindi nagustuhan ni Shantal ang mga comments sa kanya ni Louie kaya matapos ang contest ay nag-post siya sa Twitter ng, “Hustisya!” at “Composer ka lang.”
Dahil dito, bugbog-sarado siya sa mga netizens at talagang pinagsalitaan siya ng masasama. Hindi na siguro niya nakayanan ang pambabatikos sa kanya sa social media kaya napilitan na siyang mag-issue ng public apology.
Sa episode last Saturday nagsalita si Shantal on national TV habang ini-interview ni Vice Ganda.
“Gusto ko pong mag-public apology kay sir Louie Ocampo. Thank you po kasi kahit ano po iyong nararamdaman ninyo ay hindi niyo pa rin ako gi-nong.
“Nagsama-sama lang po yung pagod, puyat, stress and pressure sa iba’t ibang tao. Alam ko pong mali yung nagawa ko. Kaya po nagso-sorry ako kay Sir Louie, aniya pa.
Humanga naman si Vice sa tapang at sinseridad ni Shantal na mag-public apology kasabay ng payo niya sa lahat ng mga TNT contestants, “Huwag ninyo sanang maramdaman na dinadaya kayo ng show na ito at may isang hurado na mandadaya sa inyo at magbibigay ng injustice.”
Sey pa ni Shantal, nadala lang siya ng kanyang emosyon kaya siya nakapagsalita ng hindi maganda laban kay Louie. Pero aniya, babaunin niya sa kanyang pagtanda ang aral na natutunan niya sa kanyang pagkakamali.
“Lahat po ng pagkakamali, aminin mo lang, kasi wala namang pagkakamali na naitatago, lahat kailangan aminin at may dapat matutunan,” aniya.
Sa ending, hindi nakapasok sa grand finals si Shantal matapos matalo nina Julius Cawaling at Violeta Bayawa. Ngayong September na ang Tawag ng Tanghalan” grand finals.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.