Sylvia Sanchez nami-miss magkontrabida: Ang sarap-sarap mang-api ng bida
BIDA na naman si Sylvia Sanchez sa bagong TV series na Pamilya Ko. But now, her mother character is quite different.
“Actually, iba ito doon sa The Greatest Love at Hanggan Saan. Iisa ang role, nanay. Anong klaseng nanay? Mapagmahal, maalaga sa anak. Gagawin ang lahat para sa mga anak.
“Ang kaibahan dito ay wala akong sakit, normal ako dito at mayroon akong asawa ngayon at may walo akong anak na iba’t iba. Iba-iba sila na may mga problema later on na haharapin ko. And this time, may other woman. So, ayun ang pagkakaiba,” paliwanag ni Sylvia.
When someone asked her what happened sa wish niyang maging kontrabida muli sa telebisyon, Sylvia said, “Actually, gusto ko mang magkontrabida pero dito na daw muna ako. Eh, di fine. Pero kapag may dumating na kontrabida role, why not, kasi gusto kong bumalik sa pagiging kontrabida.
“Masarap kayang mang-api ng bida, ‘di ba? Pero sabi nila, dito na muna ako, so why not? Kung ano ang ibigay sa akin ay tatanggapin ko nang buong-buo,” she added.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.