Alfred Vargas nag-sorry sa mga guro pero binatikos pa rin: Itaas n’yo ang sahod namin! | Bandera

Alfred Vargas nag-sorry sa mga guro pero binatikos pa rin: Itaas n’yo ang sahod namin!

Alex Brosas - August 31, 2019 - 01:00 AM

ALFRED VARGAS

AMINADO si 2nd District Quezon City Rep. Alfred Vargas na he made a mistake in his version of “no homework” bill for the students.

On his proposed bill, teachers will be fined P50,000 or face up to two years of imprisonment once found guilty of not following the bill which prohibits teachers to give his/her elementary and high school students assignments.

Nag-sorry si Cong. Alfred but his apology, it seems, is not enough to parry off the hurt that teachers felt with his proposed bill.

Ang claim niya, nagkamali ang kanyang opisina, hindi raw dapat nakalagay sa bill ang kaparusahan sa lalabag sa kanyang panukalang batas. Ano raw?

Hindi ba’t kapag may panukalang batas ay dapat may kaparusahan sa mga lalabag? Kung walang parusa sa mga lalabag, ano pa ang silbi ng proposed bill?

Anyway, muling umani si Cong. Alfred ng batikos sa kanyang paghingi ng paumanhin. Parang walang gustong maniwala sa kanyang statement, kabilang na si Aiko Melendez na talagang binanatan siya sa Facebook.

“Hindi lang po ang multa ang mali. Mag-aral po muna siya ng principles of teaching. Huwag po sana niyang pakialaman ang mga bagay bagay na wala siyang kaalam-alam. Maghire siya ng matitinong staff.”

“Ngayon ko lang natanto na mga bobo pala kayo. Bakit hindi nyo pinag isipan bago nyo inilabas ang batas.

Wala talaga to si Alfred Vargas bugok ka siguro noong kabataan mo. O kaya tamad ka gumawa ng homework.”

“Ipagbawal nyo paggamit ng cellphone hindi yung homework. Asikasuhin nyo paano tataas sahod ng guro para di na kami magtuturo sa ibang bansa. Homework is a reinforcement of learning in school.”

“Hindi ka kasi gumawa ng homework mo. What if my penalty ang mga gago at bobo, tamad at kurap na mambabatas? Bawat absent nyo sa kamara dapat may 5M cash penalty! Why not propose bills like this?”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kahit sabihin mo na may pagkakamali sa batas na inihain mo, walang kwenta pa rin yang batas mo. Mas maganda totally ibasura na yang batas mo na yan.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending